TOP TRENDING: Viy Cortez Pokes Fun at Cong TV’s and Locks Gold Wing

Matapos na pagkamalan na “toxic girlfriend” ng netizens, binigyang linaw ni Viy Cortez ang mga akusasyong ito kaugnay ng paghihigpit diumano nito sa pagmomotorsiklo ni Cong TV.

Imbis na patulan ang mga basher,  isang kakaibang trip na naman ang naisip ni Viviys na tila nauwi sa nakakatawang hidwaan nila ng kanyang soon-to-be husband. 

Viy Cortez as a Girlfriend

Sa bagong vlog ni Viy Cortez, tinuldukan nito ang mga akusasyong “toxic” ito bilang nobya sa fiance nitong si Cong TV.

Nagsimula ito nang may magkomento sa vlog ni Viy na hindi umano magandang katangian ang pagiging toxic dahil sa pagbabawal kay Cong na mag motorsiklo.

“Sa last video ko ang daming nagagalit sa akin. Ang toxic ko raw hindi raw kita pinapayagan mag-motor. Ilang beses na kitang hindi pinayagan mag-motor?” ani Viviys.

Agad din naman itong pinabulaanan ni Cong at nilinaw na wala pang pagkakataong hindi ito nakaalis nang dahil sa pagbabawal ng kanyang soon-to-be wife. 

Dagdag ni Boss Keng: “Viviys ako magiging saksi. ‘Yung hindi mo pagpayag, hanggang salita lang naman. Gabi gabi pa rin s’ya umaalis!” 

“Viviys maniwala ka man o hindi, si Bossing ang unang nagsabi sa aking ‘Patulugin mo si Pat, pag tulog si Pat, tumakas tayo!’” biro pa nito.

Ayon sa VIYLine CEO, kailanma’y hindi pa nito napigilan ang nobyo sa pagmomotor.  Kaya naman hindi naman nito napigilan na ipakita ang kauna-unahang pagkakataon na hindi payagan si Cong na umalis gamit ang motor. 

Goodbye Gold Wing?

“Ito ang tunay na toxic!” 

Biro ni Viviys matapos itong makaisip ng magandang ideya para patunayan na ito ang kauna-unahang beses na pipigilan niya si Cong na umalis.

Binulaga ni Viy ang nobyo gamit ang isang malaking kadena na kanyang ipinagapos sa gulong ng motorsiklong Honda Gold Wing ni Cong.

“Para hindi ka aalis nang wala ako!” ani Viy Cortez.

“Parang enforcer ‘tong si Viviys! Daig pa enforcer!” reaksyon ni Cong.

Madali lang naman ang kondisyon na inihain ni Viviys upang muli nitong payagan si Cong na umalis at mag motorsiklo. 

“Kapag nanood tayo ng movie, kumain tayo ng sabay, naging malambing ka, ito [susi] ang kapalit!” biro nito.

Agad na kumasa si Cong sa mga kondisyones ni Viy ngunit hindi pa rin nito naibalik ang susi ng kadena dahilan upang takutin nito na sisirain ang mamahaling bag ng kanyang nobya.

“Papayagan mo ako o hindi?!” sigaw ni Cong mula sa kanilang terrace.

Laking gulat ni Viviys nang makitang hawak ni Cong ang isa sa kanyang mga luxury bag dahilan upang magkaroon ng nakakatuwang hidwaan sa pagitan ng dalawa.

“Subukan mo ibagsak ‘yan! Subukan mo! Ikaw rin ang bibili ng bago!” panakot ni Viy.

Matapos ang ilang beses na bangayan, nabuksan na sa wakas ang kadena sa tulong ni Geng Geng na nagbigay ng susi sa Bossing nitong si Cong.

Hindi nagtagal ay napagkasunduan ng dalawa na umalis ng magkasama sakay ang Gold Wing ni Cong TV. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Step Onto the Court and Get Fit This 2026 at Playhouse Pickle

As the new year begins, Playhouse Pickle invites both fitness enthusiasts and casual players to…

1 day ago

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

3 days ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

4 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

5 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

5 days ago

This website uses cookies.