Clouie Dims Enjoys the Beauty of Tokyo, Japan in Recent Travel Vlog

Tiyak na kabilang ang bansang Japan sa bucket list ng mga taong mahilig mag-travel. Isa na diyan si Team Payaman vlogger Clouie Dims na ibinahagi ang ganda ng Tokyo, Japan sa kanyang bagong YouTube vlog. 

A Day in Tokyo

Sa naunang vlog ni Clouie, ipinasilip nito ang unang parte ng kanyang Japan trip kung saan namasyal ito sa Osaka.

Sa ika-anim na araw nina Clouie Dims at ng kanyang kaibigan sa Japan, ibinahagi nito na higit na mas mura ang ibang bilihin sa Tokyo.

“Medyo mura dito ng very light, kaya talagang nag hoard siya,” ani Clouie.

“Napagkumpara niya yung presyo, talagang may diperensiyang malaki,” dagdag pa nito. 

Nagtungo rin ang magkaibigan sa Meiji Shrine sa Shibuya, Tokyo upang masilayan ang angking ganda ng kultura at tanawin dito.

Sunod nilang pinuntahan ang Yoyogi Park kung saan matatagpuan ang mga puno ng Sakura o Cherry Blossom.

Sinubukan din nila ang pagtawid sa sikat na Shibuya Crossing kung saan makikitang maraming tao ang tumatawid.

“So andito na kami sa Shibuya. The famous Shibuya crossing. Tignan niyo guys kung gaano kadaming tumatawid.”

Sa ika-pitong araw nina Clouie Dims tinaguriang Land of the Rising Sun, dinayo naman nila ang Shinjuku na isa sa mga natatanging distrito ng Japan.

Tila nasubok din ang tapang ng magkaibigan sa Tokyo Metropolitan Government Building.

“Tignan niyo kung gaano kami kataas. Sobrang taas.”

Isa rin sa pinuntahan nila ang Ueno Park na isa sa pinakakilala at pinakamatandang parke sa nasabing bansa. Matatagpuan dito ang iba’t-ibang museo, templo at dambana. Dito sinubukan din nila ang mga kakaibang street foods tulad ng Okonomiyaki.

Sa ika-walong araw naman nila sa Japan, binisita nila ang pangalawa sa pinakamalaking lungsod ng bansa, ang Yokohama. Dito matatagpuan ang Cosmo World Yokohama, Yamashita Park, at Yokohama Red Brick Warehouse.

“Ang chill lang dito sa Yokohama, infarness.” ani ni Clouie Dims. 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
900
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *