Sumikat ang OG Team Payaman vlogger na si Pau Sepagan, o mas kilala bilang Roger Raker sa mga klasik nitong YouTube vlogs na itinuturing ng mga netizens ay simple at natural. Ngunit, hindi inaasahang pansamantala itong nahinto sa paggawa ng vlogs ng ilang taon.
Makalipas ang higit dalawang taon, muling nagbukas ang panibagong yugto para sa mga bagong YouTube vlogs na dapat abangan sa YouTube Channel ni Roger Raker.
Sa unang bahagi ng bagong YouTube vlog ni Roger Raker, kapansin pansin na tila naninibago ngunit masaya ito sa muling pagharap sa camera.
Sinimulan niya ang kanyang vlog sa pagbati at pangungumusta sa mga taong matagal nang sumusuporta at naghintay sa kanya.
“Bago ang lahat, kumusta kayo? Sana okay lang kayo at sana masaya kayo sa buhay niyo,” ani Roger.
Inamin ng batikang vlogger na sa nakalipas na dalawang taon ay tila mas naging aktibo ang kanyang pagiging Pau Sepagan na madalas ay na nasa likod ng camera.
“Pero guys, namiss ko ah! Namiss kong magsalita sa harap ng camera dahil madalas nasa likod ako ng camera,” paliwanag nito.
Iginiit din ni Roger Raker na lubos siyang nahihirapan sa pag-iisip ng mga bagong content na ibabahagi sa kanyang mga manonood.
Iniiwasan din aniya nitong magbitaw ng pangako na magpapatuloy ang kanyang pagbabalik sa YouTube dahil baka hindi naman niya ito mapapanindigan.
“Ayoko nang sabihing comeback guys eh! Kasi lagi na lang ako comeback ng comeback,” natatawang dagdag nito.
Ayon kay Roger Raker, natagalan ang kanyang pagbabalik sa YouTube dahil nabinbin ang kanyang mga ideya na nais ibahagi sa pamamagitan ng vlogging.
Siniguro naman nito na muli niyang sisimulang mag-upload ng kahit anong YouTube content at ipinangakong babawi sa mga susunod na araw.
“Naisip ko na mag-upload na lang ng kahit ano ngayon at hayaan niyo kong bumawi sa mga susunod na araw. Sana mapanindigan!”
Ipinangako rin ni Roger na gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya upang muling makapaghatid ng magagandang content para sa kanyang mga tagasubaybay.
Watch the full vlog below:
Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
This website uses cookies.