Meet Browny: Mentos Takes New Motorcycle for Baguio-La Union Ride

Ipinakilala ni Michael Magnata, a.k.a Mentos, ang kanyang bagong motorsiklo matapos itong mag-upgrade mula sa kanyang lumang motor.

Agad na sinabak ni Mentos ang bagong motor sa isang mahaba-habang ride sa norte mula La Union hanggang Baguio kasama ang Team Payaman Moto Club.

Meet Browny

“Out with the old, in with the new.” Iyan ang peg ni Team Payaman Moto Club Vice Chairman Mentos matapos ipakilala sa publiko ang kanyang bagong motorsiklo.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi nito ang pag-upgrade mula sa lumang motorsiklo na pinangalanang “Boneless,” hanggang sa bago nitong big bike na binansagang “Browny.”

“Since hindi tayo makasabay sa mga hype nila, syempre gumawa tayo ng paraan! Boneless, meet Browny!” bungad nito.

Ibinida ni Mentos ang kanyang bagong AK 550 2017 model na halos kapareho ng motor ni Boss Keng.

Isa rin sa mga rason kung bakit naisipang mamuhunan ni Mentos sa bagong motor ay para maka-byahe sa expressway at upang mapabilis sa kanyang pupuntahan.

“Si Boneless hindi naman pwede sa expressway,” komento ni Kuya Terio.

Sagot naman ni Mentos: “Si Boneless hindi pwede sa expressway kasi hindi ito tinatanggap sa tollgate.”

Samantala, ipinasilip din Mentos ang kanyang mga “must haves” kapag bumabyahe gamit ang bagong motor.

Hindi mawawala sa mga ito ang extra gloves, powerbank, kapote, extra pants, shades, pabango, at mga papeles ng motor upang siguraduhin ang kaligtasan nito sa byahe.

“Kaya ito yung napili kong motor kasi gusto ko relax ako sa pag-drive, kaya itong yung napili ko AK 550 2017 model na brown.”

Browny’s First Long Ride

Agad na sinabak ni Mentos ang kanyang bagong motorsiklo sa isang mahabang byahe kasabay ng nagdaang La Union escapade ng Team Payaman.

Mula La Union, muli itong bumyahe patungong Baguio kasama ang ilang miyembro ng Team Payaman Moto Club.

Ayon kay Mentos, inabot ng halos apat na oras ang kanilang biyahe mula La Union hanggang Baguio na ayon sa kanila ay isang masayang experience.

Muling nagbahagi si Mentos ng kanyang mga reyalisasyon matapos ang long ride kasama ang mga malalapit na kaibigan sa Congpound.

“Isang bagay na natutunan ko rito is yung ang sarap bumyahe ng may kasama ka. Iba yung feeling na magkakasama kayo at iisa kayo ng trip ng tropa mo. Ngayon nafu-fulfil natin sila and kapag gusto namin bumyahe, babyahe kami. Iba yung nabibigay na presensya kapag nagra-ride ka.” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Burong Macacua Shares Snippets of ‘Sun2Kan sa SkyDome’ Behind-the-Scenes

Masayang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Burong sa kanyang mga manonood ang mga…

2 days ago

Mom Viy Cortez-Velasquez Shares Sweet Bedtime Moments with Kidlat and Tokyo

Isang sweet moment ang ibinahagi ni Mommy Viy Cortez-Velasquez matapos ang kanilang bedtime storytelling. Tunghayan…

3 days ago

TP Kids Takes Its Fun Learning Experience to Schools Across Metro Manila

With the goal of helping more kids enjoy learning, TP Kids is bringing its fun…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Share Fun Moments in Recent Food Adventure Episode

Katatawanan at unli food trip ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez,…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Holiday-Coded Fit Inspo for Your Next OOTD

We’re just a few weeks away from the holiday season, have you planned your dazzling…

3 days ago

Angelica Yap Opens Up About Being a Rap Superstar’s Girlfriend with Michelle Dy

Sa bagong episode ng Makeup Sessions Season 2, tampok sa vlog ni Michelle Dy ang…

3 days ago

This website uses cookies.