Team Payaman’s Roger Raker Shares Vlogging Knowledge as FEU Studios’ Keynote Speaker

Tampok sa pinakahuling programa ng Far Eastern University Department of Communication: FEU Studios ang isa sa mga tanyag na alumni nitong si Pau Sepagan, a.k.a RogerRaker.

Bumida ang OG Team Payaman vlogger bilang keynote speaker para sa COMMCon 2023 ng FEU upang ibahagi ang kanyang mga pinagdaanan sa media industriya at mundo ng content creation. 

FEU Studios x Roger Raker

Muling bumisita sa kanyang alma mater ang ngayo’y Team Payaman vlogger na si Roger Raker matapos maimbitahan bilang isang keynote speaker.

Graduate ng kursong AB Mass Communication si Roger Raker sa FEU na kalaunan ay bumuo ng kanyang sariling studio (Pau Sepagan Studios), at ngayo’y patuloy sa kanyang karera sa vlogging. 

Noong Miyerkules, April 26, bumisita sa FEU si Roger at ilan pang mga tanyag na pangalan sa industriya ng media gaya nina Jet Leyco at Jorge Carino.

Source: FEU Advocate

Bago pa man magsimula, nagbahagi muna ang TP vlogger ng kanyang mga masasayang alaala sa loob unibersidad.

“Ang pinakahuling memory ko dito sa FEU ay dito sa auditorium is nakikinig ako ng speaker din kasi NSTP ko! ‘Yun yung pinaka huli kong memory dito!” biro ni Roger.

Ibinahagi ni Roger Raker ang kanyang mga naging hakbang at paglalakbay habang nagsisimula sa media industry na ngayo’y kanyang pinagpapatuloy sa pamamagitan ng film making at vlogging.

Ayon dito, taong 2010 nang magsimula siyang mag-upload ng videos sa YouTube habang nag-aaral pa sa FEU. Ibinunyag din ni Roger na digictal camera ang kanyang tanging gamit sa paggawa ng kanyang mga naunang vlogs.

“Basta upload lang ako ng upload, video lang ako ng video ng mga bagay na gusto kong gawin. 13 years later, 1.5 million subscribers na ako sa YouTube tas naging member pa ako ng Team Payaman!” kwento nito.

Matapos ibahagi ng kanyang paglalakbay sa industriya, naging bukas si Pau sa mga katanungan ng kanyang mga kapwa “Tamaraws.”

Source: FEU Studios

Tanong ng isa estudyante: “Was there ever a part in your life po na you had an intense block in writing, content creating, etc. and what were the things you did po to overcome that struggle?”

Paliwanag ni Pau: “Nung pandemic, isa yan sa mga reason kung bakit ako tumigil sa YouTube kasi ang hirap gumawa ng video na masayang masaya ako pero yung mga tao, parang lahat sila parang depressed, ‘di ba?”

“Pero one thing na masasabi ko para ma-overcome yung burn out is lagi kong iniisip yung reason kung bakit ako nagsimula mag-video. Is it about money? Is it about gusto kong sumikat? Hindi eh. Ang pinaka motivation ko dati nung nagsimula ako is gusto kong mag-share at gusto ko magrecord ng mga napakaimportanteng moments sa buhay ko!” dagdag pa nito.  

Ayon kay Pau, isa sa mga rason kung bakit patuloy pa rin itong nagva-vlog ay nais nitong may mabalikan na ala-ala pagdating ng panahon.

Bago pa man tuluyang mamaalam sa kanyang mga kapwa Tamaraws, nag-iwan ng isang mensahe ang Team Payaman vlogger.

“Kung ako ang naging inspirasyon n’yo sa buhay n’yo, malaking bagay rin kayong inspirasyon sa akin.”

Roger Raker Guesting Part 2?

Umani ng papuri at pagbati ang pagpapaunlak ni Pau Sepagan bilang keynote speaker sa kanyang alma mater. 

Kenny Mocorro: “Very happy and glad seeing Sir RogerRaker do talks again.”

Mikhaela Cruz: “First time ko maka-attend ng talk ni Pau Sepagan HAHAHAHA saya pala, invite nyo pa po sya sa mga school nyo ty!”

Likes:
0 0
Views:
1109
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

All Comments

  • OG. i remember peachy and emman, sa feu talks din sila nagka kilala at kasama pa si pau. tc always and PAAwer cfg

    mark May 2, 2023 4:11 pm Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *