Isang hindi inaasahang pangyayari ang bumungad kay Boss Keng nang sumilip ito sa kanyang garahe para tignan ang bagong biling motorsiklo.
Napag-alamang sumemplang ang driver at kaibigan nitong si Limuel Acompañado, a.k.a Kuya Lim, habang minamaneho ang motor ni Boss Keng na binansagang “Uno.”
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Boss Keng ang sinapit ni Kuya Lim at ng bago nitong motorsiklo matapos sumemplang habang bumabyahe.
Pinangunahan na ni Boss Keng na wala itong sama ng loob na nararamdaman bagamat may nasira sa kanyang pinakamamahal na motorsiklo.
“Natumba ‘tong motor ko, pero hindi ako yung may kasalanan. Pero masaya pa rin ako dahil walang nangyaring [masama] sa nagda-drive nito,” paliwanag ni Boss Keng.
Dagdag pa nito: “Hayaan n’yo na. Dahil ang mga ito ay mga materyal na bagay lamang. ‘Di tayo iiyak d’yan dahil ito mapapagawa ‘yan.”
Agad na dinala ni Boss Keng ang kanyang motorsiklo sa casa upang ipagawa sa mga eksperto. Matapos ang ilang oras na paghihintay ay agad na ring naayos ang motorsiklo ni Boss Keng.
“Halika, Limuel. ‘Wag ka nang mag-alala, ayos na s’ya. So may kaunting tama sa flairings, pero flairings lang ‘yan! Okay lang ‘yan!” aniya.
Pagkatapos ipagawa si Uno, agad na dumiretso sina Boss Keng sa kwarto ni Kuya Lim upang kumustahin ito.
Agad na tinanong ni Boss Keng kung ano ba ang kasalukuyang nararamdaman ni Limuel.
“Okay na ako. Kanina nate-tense ako eh! Parang ayoko nang magpakita eh, ayoko nang umuwi eh,” ani Kuya Lim.
Nagbahagi naman ng kanyang payo si Junnie Boy na ngayo’y nahihilig din sa pagmo-motorsiklo.
“Baka kasi umiikot ikot s’ya? Sharp curve ‘yan eh, bat s’ya magba-banking?” biro ni Junnie.
Kahit pa na natumba ang motor ni Boss Keng, isang nakakatuwang surpresa pa rin ang hatid nito sa kaibigang si Kuya Lim.
“Para mawala na yung kaba sa puso mo, ito ang handog ni Boss Keng para sa’yo!” ani Boss Keng.
“Wah, buo na!” laking gulat ni Kuya Lim.
Hinandugan din ng Team Payaman Moto Club Chairman na si Cong TV si Kuya Lim ng isang helmet na maaari nitong gamitin sa pagmomotorsiklo.
Watch the full vlog below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.