Netizens Cast Their Team Payaman Wild Dogs and Wild Cats Bias via TikTok Filter

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang viral na TikTok filter kung saan maaring mamili sa iyong paboritong personalidad, mapa celebrity, pulitiko, vlogger, o social media influencer. 

Hindi nagpahuli sa nasabing trend ang mahuhusay at malikhaing Team Payaman fans na gumawa ng TP Wild Dogs and TP Wild Cats bias filter na patok ngayon sa nasabing social media app. 

Who’s Your Bias?

Nagkalat ngayon sa “For You Page” ng TikTok ang ilan sa mga netizens na gumagamit ng TP Wild Dogs at TP Wild Cats bias filter.

Trending ngayon na may mahigit 28,000 views ang Team Payaman-inspired filter na likha ng TikTok user na si @xelaageee.

Gumawa ito ng “Who is your favorite TP Wild Cats at TP Wild Dog”’ filter na maaaring gamitin ng solid Team Payaman fans sa kani-kanilang mga TikTok account.

Nasa pagpipilian ang TP Wild Cats na sina Vien Iliigan-Velasquez, Clouie Dims, Pat Velasquez-Gaspar, Viy Cortez, Venice Velasquez, Abigail Campañano-Hermosada, at Kha Kha Villes.

Pagdating naman sa TP Wild Dogs, present sa mga pagpipilian sina Yow Andrada, Dudut Lang, Cong TV, Boss Keng, at Junnie Boy.

Ang Hatol ng Netizens

Kanya kanyang subok ang netizens at Team Payaman fans sa nasabing fan-made filter para ipakita sa lahat kung sino ang kanilang favorite TP members.

Karamihan sa mga sumubok ng filter ay mga ultimate fan girls ni Viy Cortez.

Iris Cruz: “Syempre, [kay] Viviys tayo!” 

IamKhren: “Baka Viy Cortez yarn?! Solid TP!” 

Samantala, ang iba naman ay hindi makapili dahil lahat ng miyembro ng Team Payaman ay ang kanilang “bias.”

Badudai: “Bilib ako sa kanilang lahat. Super hanga lang talaga ako sa pagiging prangka at hands-on mom and wife ni Vien tapos lalo pa s’yang gumanda ngayon galing pa manamit! Lahat naman sila honestly, kaya lalo nakakainlove talaga si Vien!” 

Top trending din ngayon ang TikTok video ni Pat Velasquez-Gaspar gamit ang “Favorite Vlogger” filter.

Sa nasabing video na may higit 150,000 likes, nanaig ang pagiging fan girl nito sa kanyang kuya na si Cong TV na talaga namang ikinatuwa rin ng kanyang mga manonood.

viyline.net

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

21 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.