Sawa ka na ba sa inihaw, adobo, at lechon na kalimitang binabaon sa tuwing magkakaroon ng summer outing?
Pwes, hatid ni Chef Enn ngayon ang ilang kakaibang summer outing menu na tiyak na mas magpapasarap sa bakasyon nyo kasama ang mga kaibigan at buong pamilya.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Chef Kenneth Silva ang naging quick summer getaway nito sa Ternate, Cavite kamakailan lang.
Kasama ang kanyang mga tropa at kapwa motorcycle riders, bumiyahe mula Quezon City hanggang Ternate, Cavite si Chef Enn upang magluto at mag tampisaw sa dagat.
Pero bago tuluyang mag-enjoy, nag stop over muna ang kusinero sa Naic Public Market upang mamalengke ng mga isasahog sa kanyang kakaibang summer outing menu.
Pagdating sa Paniman Beach sa Ternate, diretso luto agad si Chef Enn ng mga inihanda nyang putahe na hindi pang karaniwang inihahain sa mga summer outing. Ito ay ang Seafood Paella Negra, Pancit Choca, at Bibingkoy.
“Actually guys, first time ko ito lulutuin,” pag-amin ni Chef Enn.
“No idea, tinignan ko lang yung recipe at self-study kung paano lutuin,” dagdag pa nito.
Unang niluto ni Chef Enn ang Bibingkoy na ginamitan nya ng red beans na kalimitang sinasahog sa Halo-Halo. Paliwanag ni Chef, ang Bibingkoy ay para lang Palitaw ngunit may palaman na minatamis na red beans.
Sunod naman nitong hinanda ang Pancit Choca. Paglilinaw ni Chef Enn, hindi ito pancit na may tsokolate, bagkus ay pancit na may maitim na kulay dala ng dagta ng pusit na sangkap nito.
Habang nagluluto ay sinamantala na rin ni Chef Enn ang pagkakataon upang pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa kanya noong nagdaang Team Payaman Fair.
“Maraming salamat sa mga bumili sa tindahan ko, lalong lalo na yung mga nakakain,” ani Chef Enn.
Samantala, huling niluto ni Chef Enn ang Seafood Paella Negra na naging challenging aniya dahil sa kawali nya ito niluto.
“So ang mahirap lang talaga gawin dito, kapag dito ka nagluluto sa kawali, mahirap sya maluto dahil hindi even yung surface nya, dapat flat kasi,” paliwanag nito.
Matapos ang mahabang lutuan ay tinikman na ng buong tropa ang inihandang kakaibang summer outing menu ni Chef Enn.
Watch the full vlog below:
Isa sa mga gumulat sa mga taga-suporta ng Team Payaman ay ang halos sabay na…
Love is indeed sweeter the second time around. Vlogger and VIYLine Cosmetics girl boss, Viy…
Puno ng tawanan at kulitan ang bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, kung saan kasama…
Isa sa mga hinahangaang miyembro ng Team Payaman si Aaron Macacua, na mas kilala bilang…
Kilala ang small-but-terrible pet na si Tawki bilang parte ng Pamilya Velasquez na kasama nila…
Isang panibagong adisyon sa lumalaking pamilya ng content creator na sina Toni Fowler at Tito…
This website uses cookies.