Viy Cortez Announces Round 2 of Team Payaman Fair at SMX Convention Center

Higit isang buwan matapos ang matagumpay na Team Payaman Fair, inanunsyo ni Viy Cortez ang pagbabalik ng tinaguriang “social media influencer bazaar” ng taon. 

Matatandaan na kamakailan lang ay dinagsa ng libo-libong Team Payaman fans ang TP Fair na inorganisa ng VIYLine Media Group. Ito ay ginanap sa SM Megamall Megatrade Hall nooong Marso. 

Due to insistent public demand, ika nga, pinagbigyan ng VIYLine CEO ang hiling ng nakararami na muling magkaroon ng Team Payaman Fair ngayong taon. 

TP Fair 2.0

Sa isang Facebook post, masayang ibinahagi ng 26-anyos na vlogger at entrepreneur ang pagbabalik ng Team Payaman Fair sa darating na Disyembre. 

“Team Payaman Fair DEC 27 to 30 2023 at SMX MOA HALL 1,2,3 &4!” ani Viy Cortez. 

Kalakip ng nasabing post ang ilang litrato kasama si Cong TV sa SMX Convention Center Manila sa Mall of Asia Complex sa Pasay City.

But wait, there’s more! Kung dati ay mga produkto at negosyo lang ng Team Payaman at ibang influencer ang maaring makita sa TP Fair, ngayon ay may tyansa pang manalo ng mga bigating pa-premyo. 

“Lahat ng pupunta may chance mag uwi ng Iphone 14 Promax, motor, at BRAND NEW CAR,” dagdag pa ni Viviys. 

Payo ni Viy, manatiling nakatutok sa opisyal na Facebook page ng Team Payaman Fair para sa anunsyo kung kailan makakabili ng ticket. 

Para naman sa mga negosyong nais maging parte ng TP Fair, maaring magpadala ng inyong mensahe sa tpfair2023@gmail.com.

Excited fans

Ikinatuwa naman ng maraming Team Payaman fans ang anunsyo ni Viy Cortez sa pagbabalik ng Team Payaman Fair. 

Kanya-kanyang pahayag ng kanilang excitement ang netizens na umaasang makakadalo sa magiging holiday bazaar ng TP Fair. 

Mhafe Aureada:Mas pinalaking venue. pu2nta n tlg aq d2.”

Joanna Sancon Sison: OMG Manifesting na makakapunta at mamemeet at makakapag pa picture sa buong teampayaman.”

James Vallefas: “Yung gusto ko umuwi nnag pinas. shoutout sa mga Taga ibang bansa na gusto pumunta”

Kath Regio

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

2 hours ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

2 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.