Kevin Hermosada Surprises Team Payaman With His New ‘Big Bike’

Isa na namang miyembro ng Team Payaman ang tila nahawa na sa epidemya ng pagkahilig sa motorsiklo, at ito ay walang iba kundi si Kevin Hermosada. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng vlogger at Libreband frontman kung paano niya isiniwalat sa mga kaibigan at sa asawang si Abigail Campañano ang kanyang naging desisyon. 

Motor reveal

Unang nilapitan ni Kevin ang kaibigan at kapwa Team Payaman vlogger na si Michael Magnata, a.k.a Mentos. Bilang isa sa mga bihasang motorcycle rider ng grupo, ipinagmalaki ni Kevin kay Mentos na nakabili na ito ng bagong motor.

Ayon kay Kevin, ayaw na kasi nyang maki-angkas kay Mentos at gusto ng lehitomong makasama sa mga rides ng Team Payaman Moto Club.  

 Ngunit nang ipakita nito kay Mentos ang bagong motor, isa lang pala itong laruan. 

“Tulin neto ah! Ganda ng big bike mo ah? May bike na pambata!” ani Mentos.

Sagot naman ni Kevin: “Syempre, beginner ako!”

Sunod na nabiktima ni Kevin ang iba pang miyembro ng grupo gaya nina Cyrill Factor, Steve Wijayawickrama, Burong, Carding, at Viy Cortez

“Alam mo kung saan ko magagamit yan? Sa lalagyan ng laruan ni Mavi,” ani Cyril – ang editor ni Dudut Lang. 

“Sumakay ka nga! Try mo lang sakyan!” hamon naman ni Steve. 

Halos wala namang paglagyan ng tawa ni Viviys ng makita ang laruang motor ni Kevin na tila naka-park pa sa kanilang bakuran. 

Samantala, sunod na iniyabang ni Kevin sa mga miyembro ng Team Payaman Moto Club ang kanyang bagong motor. 

Sabay sabay sumugod sina Cong TV, Junnie Boy, at Boss Keng upang makita ang diumanoy bagong motor ni Kevin, ngunit halos mahambalos ng bimpo ni Cong si Kevin at kanyang motor sa nakita nitong laruan. 

The Abby Prank

Huling naging biktima ni Kevin Hermosada ang kanyang misis na si Abby sa pamamagitan ng pagsurpresa dito ng ilang riding gear. 

Kunwari ay binilhan niya ito ng bagong jacket at helmet upang makasama ito sa mga byahe dahil may bagong motor na si Kevin. 

“Ba’t ka bumili?” ani Abby. 

Sinundan naman ito ng tuksuhan sa loob ng Content Creator House sa Congpound na tila lalong nagpakaba kay Abby.

Pero imbes na mainis sa kanyang motor toy prank, tila naging susi pa ito upang payagan ni Abby si Kevin na bumili ng bagong motor. 

“Payag na ko!” ani Abby. 

Watch the full vlog below:

Kevin Hermosada Surprises Team Payaman With His New ‘Big Bike’

Isa na namang miyembro ng Team Payaman ang tila nahawa na sa epidemya ng pagkahilig sa motorsiklo, at ito ay walang iba kundi si Kevin Hermosada. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng vlogger at Libreband frontman kung papaano niya isiniwalat sa mga kaibigan at sa asawang si Abigail Campañano ang kanyang naging desisyon. 

Motor reveal

Unang nilapitan ni Kevin ang kaibigan at kapwa Team Payaman vlogger na si Michael Magnata, a.k.a Mentos. Bilang isa sa mga bihasang motorcycle rider ng grupo, ipinagmalaki ni Kevin kay Mentos na nakabili na ito ng bagong motor.

Ayon kay Kevin, ayaw na kasi nyang maki-angkas kay Mentos at gusto ng lehitomong makasama sa mga rides ng Team Payaman Moto Club.  

 Ngunit ng ipakita nito kay Mentos ang bagong motor, isa lang pala itong laruan. 

“Tulin neto ah! Ganda ng big bike mo ah? May bike na pambata!” ani Mentos.

Sagot naman ni Kevin: “Syempre, beginner ako!”

Sunod na nabiktima ni Kevin ang iba pang miyembro ng grupo gaya nina Cyrill Factor, Steve Wijayawickrama, Burong, Carding, at Viy Cortez

“Alam mo kung saan ko magagamit yan? Sa lalagyan ng laruan ni Mavi,” ani Cyril – ang editor ni Dudut Lang. 

“Sumakay ka nga! Try mo lang sakyan!” hamon naman ni Steve. 

Halos wala namang paglagyan ng tawa ni Viviys ng makita ang laruang motor ni Kevin na tila naka-park pa sa kanilang bakuran. 

Samantala, sunod na iniyabang ni Kevin sa mga miyembro ng  Team Payaman Moto Club ang kanyang bagong motor. 

Sabay sabay sumugod sina Cong TV, Junnie Boy, at Boss Keng upang makita ang diumanoy bagong motor ni Kevin, ngunit halos mahambalos ng bimpo ni Cong si Kevin at kanyang bagong motor sa nakita nitong laruan. 

The Abby Prank

Huling biniktima ni Kevin Hermosada ang kanyang misis na si Abby sa pamamagitan ng pagsurpresa dito ng ilang riding gear. 

Kunwari ay binilhan niya ito ng bagong jacket at helmet upang makasama ito sa mga byahe dahil may bagong motor na si Kevin. 

“Ba’t ka bumili?” ani Abby. 

Sinundan naman ito ng tuksuhan sa loob ng Content Creator House sa Congpound na tila lalong nagpakaba kay Abby.

Pero imbes na mainis sa kanyang motor toy prank, tila naging susi pa ito upang payagan ni Abby si Kevin na bumili ng bagong motor. 

“Payag na ko!” ani Abby. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.