Team Payaman Wild Dogs Appoints TP Moto Club Officers

Hindi kumpleto ang isang rider group kung wala ang mga opisyal na mamumuno sa grupo sa kanilang mga biyahe.

Sama-samang nagtalaga ng mga opisyales ang mga miyembro ng Team Payaman Moto Club para sa maayos at ligtas na paglalakbay.

The nomination

Ilang linggo matapos mahumaling sa pagmomotorsiklo, opisyal nang ipinakilala ng Team Payaman ang kanilang riding group na binansagang Team Payaman Moto Club.

Sa bagong vlog ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ibinahagi nito ang naging na botohan ng mga opisyales na mamumuno sa tuwing sila ay babyahe.

Pinanungahan ni Burong ang nominasyon at botohan na nagsimula sa treasurer o tagapag-ingat ng kanilang pondo.

Unang pinasok sa nominasyon si Cong TV at Carlos Magnata, a.k.a Bok. Agad din namang tinanggihan ni Cong TV ang posisyon kung kaya’t si Bok ang naitalagang treasurer ng grupo.

Sunod naman binuksan ni Burong ang nominasyon para sa navigator o ang magiging pinuno nila sa daan.

“I nominate Burong!” ani Dudut Lang.

Hindi sinang-ayunan ni Cong ang nominasyon kay Burong dahil hindi aniya ito maaasahan pagdating sa direksyon dahil parati itong naliligaw, kung kaya’t natira sa listahan sina Mentos at Cong.

Nakuha ni Cong TV ang posisyon matapos itong iboto ng halos lahat ng kanyang mga kasamahan sa grupo.

Sunod na posisyong binuksan ni Burong ay ang sweeper o ang rider na nasa dulo ng convoy at kinakailangang may mahabang pasensya at kakaibang bilis.

Matapos maging nominado sina Mentos, Adam, at Boss Keng, itinalaga bilang sweeper si Adam matapos ipaubaya nina Boss Keng at Mentos ang kanilang nominasyon.

Hindi naman nawala sa mga pinagbotohang opisyales ng grupo ang dalawang marshall na magsisilbing taga-ayos ng grupo sa kalsada.

Itinalaga ang mag-amang Junnie Boy at Papa Shoutout, habang magsisilbing Marshall 2 naman si Boss Keng kung hindi makakasama sa ride ang ama ng Velasquez Family.

At syempre, pinagbotohan din ng Team Payaman Moto Club ang kanilang magiging Chairman of the Board na syang responsable sa pagpapanatili ng kaayusan ng grupo.

“Bawal harangin, bawal kontrahin, basta sinabe ni Chairman na final, final na,” paglilinaw ni Burong.

Naging nominado sina Mentos, Cong TV, Boss Keng, at Bods. Matapos magsalita ang grupo, nakuha muli ni Cong TV ang posisyon.

Itinalaga namang Vice Chairman ng grupo si Mentos matapos nitong pumangalawa sa botohan para sa chairman.

At syempre, itinalaga ni chairman Cong TV si Dudut bilang opisyal na food connoisseur ng grupo na responsable sa pagpili ng kanilang kakainan.

Matapos maitalaga sa pwesto ay nagpahatid din ng kani-kanilang mga mensahe ang mga bagong opisyales ng Team Payaman Moto Club.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

2 days ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

2 days ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

3 days ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

3 days ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

4 days ago

Nourish Your Little Ones With ‘Luxe Kids’ by Luxe Beauty and Wellness

Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…

4 days ago

This website uses cookies.