Pat Velasquez-Gaspar Shares Glimpse of Team Payaman Summer Getaway in La Union

Matapos ang kanilang all-out summer getaway sa Surfing Capital of the Philippines, unti-unti nang  nagbabahagi ng kanilang masayang bakasyon sa La Union ang ilang miyembro ng Team Payaman.

Una na dyan si Pat Velasquez-Gaspar na hatid ang isang “chill summer vlog” kalakip ang ilan sa mga kaganapan sa kanilang nagdaang quick summer vacation.

Team Payaman Goes to La Union

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang point of view sa kanilang La Union trip nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Pat, ito na ang ikalawang beses na lumabas ang Team Payaman nang sama-sama dala na rin ng pagkasabik ng TP Wild Dogs sa pagmomotorsiklo.

Bukod sa swimming, hindi rin pinalampas ng preggy momma ang makiisa sa baking session kasama ang kanyang mga pamangkin.

“Ngayon kasi, syempre buntis [ako] at kasama namin yung mga bata, so naghanap kami ng trip dito,” bungad ni Pat.

Kasama ni Mrs. Gaspar ang mga kapwa mommy na sina Viy Cortez, Vien Iligan-Velasquez, ilang Team Payaman Wildcats, at kanilang mga chikiting.

Present din sa baking session ang panganay nina Junnie Boy at Vien na si Mavi Velasquez na game na game na nagdisenyo ng kanyang sariling cake.

“Be, na-over design ka naman d’yan. Masyado mo naman ginalingan. Ano naman kinalaman ng blue na bulaklak ‘dyan?” biro ni mommy Vien.

“Ang galing ni Mavi ah. Parang gusto kitang ibook sa mga kasal!” dagdag ni Tita Pat.

Hindi rin nagpahuli ang nanay nitong si Jovel Velasquez, a.k.a Mama Revlon, na nakisali sa kanilang baking session.

“Wow si mother very plantita!” biro ni Pat.

Labis ang saya ng soon-to-be-mom na si Pat nang simulan nitong gumawa ng DIY cake para sa anak na si Baby Isla Patriel.

“Baby Isla, this is for you!” ani Pat.

Matapos ang kanilang baking session, diretso na sa dagat ang Team Payaman upang magtampisaw at saksihan ang paglubog ng araw sa La Union.

Netizens’ Reactions

Dahil excited na rin ang mga manonood sa kanilang summer vlogs, dinagsa ng mga positibong komento ang bagong vlog ni Pat.

Hershey Obar: “Thank you po sa pagbisita. Balik po ulit kayo ate Pat, Kuya Keng and TP. Sa susunod meron na si Isla. Salamat din po nakasama kami sa vlog. lodi ka talaga kuya editor!”

Jheyzellepretea: “I can’t waitt to see youu islaa! im so so happy for you mom & teampayaman! desservee nyo lahat yan!”

Jennelyn L. Anchong: “Ala! Nagpintasen! Buti nalang may Team Payaman na nagapasaya sa bawat weekend ko. Sana meron na yung vlog ng Wild dogs sa Baguio. Hehe. Thank you, Team Payaman for making us smile thru your vlogs po!”

Denyse Isabella Bolano:  “Yess at last may lumabas nading vlog ng bakasyon nila! Hinihintay talaga to ng lahat kasi madaming Team Payaman ang nandyan. Whaaa. Thank you ate pat!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.