From Warsak to Goldwing: Cong TV and Viy Cortez Inspires Netizenz Anew With ‘Ride Glow Up’

Ikinatuwa ng mga fans ni Cong TV nang masilayan ang bago nitong motorsiklo na regalo sa kanya ng kanyang longtime girlfriend at fiance na si Viy Cortez.

Kitang-kita ang katas ng pagsisikap ng YouTube power couple dahil sa maituturing na “glow up” sa motorsiklo ni Cong mula kay Warsak at ngayon sa napakagarang Honda Goldwing. 

Ride Glow Up

Naging usap-usapan sa social media ang bagong motorsiklo ni Cong TV na regalo ng kanyang soon-to-be-wife. Sa isang vlog, ibinahagi rin ni Viy Cortez kung papaano nya sinurpresa si Cong ng bilhin nito ang napupusuang motor.

Matatandaan na noong nagsisimula pa lang sa kanyang vlogging career si Cong TV ay tumatak sa kanyang mga manonood ang kanyang motor na binansagang “Warsak.”

Madalas niya itong ginagamit sa pagsundo kay Viy Cortez at lagi ring ginagamit sa tuwing umaalis sila ng kapatid na si Junnie Boy. 

Samantala, hindi naman napigilan ni Viy Cortez na maging emosyonal nang magbalik-tanaw ito sa kanilang “Warsak Days” ni Cong.

“Naalala (ko) yung panahong yung helmet namin ni cong napaka luwag, tapos si warsak luluwa yung ilaw hahawakan nalang ni cong at mag flash light ako sa phone ko para makita kami ng mga dumadaan na kasalubong namin,” kwento ng 26-anyos na vlogger. 

“Grabe si Lord. Yung pag mamahalan namin nung panahon na yun at ngayon mag kasing tamis padin lalo na may kidlat pa kami ngayon. Wala ako ibang masabi kundi salamat Panginoon,” dagdag pa nito. 

Netizens’ Reactions

Dahil sa tindi ng “ride glow up” ni Cong TV, muli na naman itong nagsilbing inspirasyon sa kanyang mga fans upang lalong magsikap at magtiwala sa kanilang mga pangarap.

Kaya naman hindi napigilan ng mga ito na magpahatid ng mensahe sa natamong tagumpay ng  isa sa mga top content creator sa bansa.

Jen Aviso-Marasigan: “Totoo. Naalala ko pa dati nung nagbabaon ng kanin si Cong para lang makatipid kayong dalawa. Bongga yun.”

Aquino Ralph Edward: “Araw araw before going to sleep, puro videos nyo ni Cong ang pinapanood namin ni Mister, and very inspiring talaga. I just hope and pray that you will be more successful Viy and Cong. Keep inspiring us ❤️ #FanHereInDubai”

LWMKDB: “Bago na yung motor pero ikaw pa rin angkas”

Santos Harry: “Both of you are truly inspiration to us. An example of a never say die attitude.”

Marjorie Aira: “Napanood ko tong vlog na nag motor kayo, tapos sira na yung helmet niyo. Grabe po yung changes sa buhay niyo Ms. Viy Cortez & @Cong tv sobrang nakaka-inspire at ang saya kasi sa hirap at ginhawa.” 

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.