Heartbreak to Hustle: Sachzna Gets Praises for Inspiring Girl Boss Moments

Taas noong sinagot ng social media personality na si Sachzna Laparan ang tanong kung kumusta na nga ba ito matapos ang usapan-usapan sa kanyang pinagdadaanan.

Isang makabuluhang life update ang hatid ni Sachzna sa kanyang bagong docu-vlog na umani ng mga papuri mula sa kanyang mga taga-suporta.

Kumusta ka, Sachzna?

“Kumusta ka, Sachz?” bungad kay Sachzna Laparan.

Buong tapang na sinagot ng tinaguriang “Miss Flawless” ang tanong matapos ang panandalian na pananahimik sa kanyang mga social media pages.

Hindi ipinagkaila ng 24-nyos na vlogger at entrepreneur na isa sa mga dahilan ng kanyang pagiging MIA o missing in action ay ang pagiging punong abala sa nagdaang Team Payaman Fair.

Isa ang negosyo ni Sachzna na “S by Miss Flawless” sa mga pinilahan sa nasabing event na ginanap noong Marso sa SM Megamall Megatade Hall. 

Game na game na nakiisa si Sachzna sa on-stage interview at buong galak din itong nakipag selfie sa kanyang mga taga-suporta na dumalo sa TP Fair.

Labis din ang naging pasasalamat ng vlogger sa mga Team Payaman fans na sumuporta rin sa kanyang negosyo.

“Maraming salamat sa Team Payaman, sa fans nina Viy at Cong, sana nalilibang kayo d’yan. At sana, nabudol na kayo d’yan kasi mambubudol pa ako [ng paninda] mamaya!” biro pa nito.

Dagdag  pa ni Sachzna: “Sobrang happy [ako] kasi nagkita-kita tayong lahat, at sobrang thankful kasi nagsama-sama yung mga influencers, vloggers!” 

Samantala, inamin din ni Sachzna na sa kabila ng mga ngiti niya noong TP Fair ay may pinagdadaanan syang personal na problema.

“Actually yung mga pinakita ko sa inyo, mga 20-30% pa lang yan. Andami ko pang ginawa while in pain, while I’m struggling. Busy pa rin naman ako araw-araw pero ang kaibahan nito, I’m in pain.” 

Naging trending din sa social media ang video ni Sachzna na umiiyak sa sasakyan matapos ang kanyang TP Fair appearance.

“Ang sakit sakit! Anong kulang sa akin? Anong kulang?” tanong nito sa kanyang ina.

Matapos ang ilang linggo ng kalungkutan, agad na lumabas sa kanyang pagkalugmok si Sachzna at unti-unting gumawa ng mga aktibidad para sa kanyang sarili.

Unang sinubukan ni Sachzna ang ballet dahil ito aniya ang isa sa mga pangarap niyang sport mula pagkabata.

Isa rin sa mga pinagkaabalahan ni Sachzna ay ang painting na kanyang ginagawa sa tuwing s’ya ay nalulungkot dahil dito n’ya nabubuhos ang kanyang mga hinanakit.

Bukod sa “me time” ay isa ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan sa mga tumulong sa vlogger upang makabangon muli.

Netizens’ Reactions

Matapos ilahad ang damdamin, ipinahatid naman ng netizens at fans ang kanilang paghanga sa pagharap ni Sachzna sa pagsubok.

Clarise Miranda: “We are really proud of you, for little by little overcoming the challenges, struggles and pain you’re facing right now. Lets make a dance that will express yourself and make you feel stronger!”

Justin Ayco Nipa: “This is the true definition of an influencer, You’re so brave and with this video you’ve shown us that pain is inevitable and it’s normal, you’ve shown us how to handle pain bravely and with that you’ve inspired us. Mahigpit na yakap para sayo ate sachzna! Madaming nagmamahal sayo and i hope and pray na mahanap mo yung taong mamahalin ka ng buong buo.”

Jemica Garcia: “Hi, Ate Sachzna! If you’re struggling with feeling impatient or insecure during this time of singleness. God promises us that it’s okay to be anxious but encourages us not to give up hope because good things are worth waiting for. He has promised to direct our steps because he delights in our lives. This assurance is the confidence we have in Christ. Knowing fully well that God will always come to our rescue. In our search for the right partner or friend, we should learn to wait on the Lord for guidance, as He knows what is best for us. Love you Ate!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
851
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *