Why Team Payaman’s Burong Named His New Motorcycle ‘Pama?’

Kamakailan lang ng nasaksihan ng netizens ang sunod-sunod na pagbili ng Team Payaman boys ng kani-kanilang mga big bike. 

Bukod kina Cong TV, Boss Keng, at Junnie Boy, hindi rin nagpahuli sa bagong hobby ng grupo si Aaron Macacua, a.k.a Burong.

The desire

Sa panibagong vlog ni Burong, tahasan niyang inamin na nakaramdam siya ng inggit nang malamang isa-isa nang nagbibilihan ng motor ang bawat miyembro ng Team Payaman. 

“So guys, this is it! Magpapaalam din akong bumili ng motor kasi naiinggit talaga ako. Gusto ko rin magkamotor!” kwento ni Burong.

Walang pag-aalinlangan itong lumapit at nagpaalam sa kanyang longtime girlfriend at fiance na si Aki Angulo upang humingi ng permiso.

“Inggitero ka talaga!” sagot naman ng kanyang soon-to-be wife na tila hindi sangayon sa kanyang plano.

Agad namang dumipensa si Burong at ipinaliwanag ang layunin sa pagkakaroon niya ng sariling big bike.

“Gagamitin ko nga yung motor love pamalengke,” ani Burong.

“Hindi ako sasama sa mga rides na ganyan. Yung mga alis na yan, hindi para dun yung motor lang,” dagdag pa nito. 

Sinagot naman ni Aki si Burong na bumili na lang ng E-bike kung pamalengke lang pala ang hanap nito. Pero matapos ang mahabang diskusyon ay napapayag din ni Burong ang kanyang mapapangasawa.

The origin

Masayang sinalubong si Burong ng kanyang mga kaibigan nang iuwi nito sa Congpound ang kanyang bagong motor na KYMCO S400. 

Agad niya itong ibinida sa buong tropa ngunit ibinahagi din ang kanyang pag-aalala na hindi siya payagan ni Aki sa malayuang biyahe. 

“Sabi ko par, pamalengke yung motor. Kailangan kong gawan ng paraan par, kailangan kong mamalengke gamit yung motor.” 

Isa rin sa naging suliranin ni Burong ay kung ano ang ipapangalan niya sa kanyang bagong big bike, kaya naman agad nagbigay ng kani-kanilang suhestyon ang tropa.

“Si Pama – Pamalenge!” biro ni Cong TV.

“Puma – Pumapalengke!” dagdag pa nito.

Ride Night

Dahil may mga bagong motorsiklo, tila nahihilig na rin ang Wild Dogs sa pag ride o pag byahe sa iba’t-ibang lugar gamit ang kanilang motor. 

Kaya naman muling lumapit si Burong kay Aki upang sundin ang payo ng kanyang mga kaibigan kung paano ang tamang pagpapaalam upang payagan itong sumama. 

“Love alis daw sila love. Niyaya nga ako eh! Sabi ko, mamamalengke kasi ako mamaya, di ako papayagan,” paliwanag ni Burong.

“Sabi nila, dun ka na lang mamalengke,” may pangungumbinsing dagdag nito.

Matapos ang mahabang suyuan at pakiusapan, sa huli ay muli niyang napapayag si Aki na sumama sa trip ng tropa.

Watch the full vlog below:

Claire Montero

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

1 day ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

2 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

4 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

4 days ago

This website uses cookies.