WOW: This is How Much Cong TV’s New Jaw-Dropping Motorcycle Costs

Hindi nagpahuli si legendary YouTube vlogger Cong TV at nakipagsabayan sa bagong hobby ng Team Payaman boys, ang pag momotorsiklo. 

Dahil sa kanilang bagong kinahuhumalingan, panibagong “ride” ang dumagdag sa magagarbong sasakyan ng 31-anyos na vlogger. 

Pero magkano nga kaya ang nakakapaglaway na Suzuki Burgman at Honda Goldwing ni Boss Cong?

#SaNgalanNgMotor 

Sa vlog ni Viy Cortez, ibinahagi nito kung paano nya buong pusong sinuportahan ang bagong kinahihiligan ng kanyang longtime boyfriend at fiance na si Cong TV. 

Ayon sa 26-anyos na vlogger at bussinesswoman, matagal ng nagpapaalam sa kanya si  Cong na bumili ng motor. Pero bukod sa pagbigay nito ng permiso ay sinurpresa ito ni Viy na bayaran ang napupusuang motor. 

“Parang 2 months na nya akong kinukulit. Hindi nya ako kinukulit para bilhan ko sya, kung hindi, nangungulit siya na payagan ko siya,” paliwanag ni Viviys.

Ibinahagi rin ni Viy ang litrato ni Cong na tila abot-tenga ang ngiti sa kanyang bagong motorsiklo.

“May baby na tayo pero be-baby-hin padin kita iloveyou.”

Samantala, dahil sa bagong motor, tila natanggal naman ang angas ni Cong TV at hindi nakapalag para maging modelo ng makeup sa liveselling ng VIYLine Cosmetics noong nagdaang 4.4 Sale. 

“Sa ngalan ng motor. Sa ngalan ng Goldwing. Sa ngalan ng Burgman. Gagawin ko ang lahat para makabawi kay Viviys!” biro ni Cong habang nagla-liveselling sa TikTok. 

“Kakauwi ko lang galing mag motor, pero hindi ako pwede mag reklamo. ‘Wag tayong susuko, para sa motor!” dagdag pa nito. 

Price Reveal

Magkano nga ba ang regalong Suzuki Burgman ni Viy Cortez kay Cong TV?

Ayon sa opisyal na website ng Suzuki Philippines, ang nasabing modelo ng motorsiklo ay nagtataglay ng makinang  400cc 4-stroke at halagang mahigit P529,000!

But wait, there’s more dahil hindi dito natatapos ang pasabog ng “Fiance ng Taon!”

Bukod sa Suzuki Burgman ay niregaluhan din ni Viviys si Cong ng isa pang bagong motorsiklo, ang Honda Goldwing. 

Sa vlog ni Tier One Entertainment CEO Tryke Gutierrez, ipinasilip ni Cong ang kanyang kinababaliwan na motorsiklo. 

“Kasya dalawang helmet (sa compartment), sobrang ganda guys! Ibang klase, ibang uri! Kahit ako hanggang ngayon nababaliw ako dito eh!” ani Cong TV. 

Ayon sa Honda Philippines, taglay ng Goldwing ang 1,833cc na makina, hill start assist, walking/reverse mode, keyless ignition, LED lights, airbag, at iba pang makalaglag pangang specs. 

Ang nasabing modelo ng motorsiklo ay mayroon lang namang price tag na mahigit dalawang milyong piso! Wow!

Watch the vlogs below: 

Likes:
0 0
Views:
3970
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *