Cong TV Takes Carding Magsino on a Wisdom Tooth Extraction

Isang kakaibang wisdom na naman ang hatid ng resident physical therapist ng Team Payaman na si Carding Magsino kaugnay sa ilang impormasyon ukol sa wisdom tooth.

Matapos ang kanyang wisdom tooth extraction, agad ibinahagi ni Carding ang ilan sa kanyang mga kaalaman ukol dito sa kanyang mga kasamahan sa Congpound at mga manonood. 

Carding’s Wisdom Tooth

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Carding Magsino ang kanyang pinagdaanan bago at matapos ang pagtanggal ng kanyang wisdom tooth.

Walang pagdadalawang isip itong sinamahan ni Cong TV papunta sa dentista para sa kanyang wisdom tooth extraction.

“Kasama mo ang with experience sa mga ganyang bunutan!” ani Cong.

Ayon kay Carding, napag-isipan na nitong ipabunot ang kanyang wisdom tooth dahil sa sakit na matagal na nitong iniinda.

“Ayoko talaga! Ayoko ipabunot. Nakakatakot s’ya para sa akin” pag-amin ni Carding.

Syempre, hindi kumpleto ang vlog ni Carding kung walang trivias and fun facts para sa Team Payaman.

Nang tanungin nito si Cong kung ano nga ba ang dahilan kung bakit kailangan bunutin ang wisdom tooth, agad din naman itong nagbigay ng sagot.

“Syempre maraming dahilan. Number 1, masakit. Number 2, para magka-wisdom ka! At number 3, ang pinaka importante sa lahat, ‘yang wisdom na ‘yan, kapag nilagay mo sa ilalim ng unan mo [magiging] pera” pabirong sagot ni Cong.

Ayon naman kay Carding, kaya binubunot ang wisdom tooth dahil isa itong vestigial organ na late na lumalabas dahil hindi na ito kinakailangan ng tao sa araw-araw na pagkain.

Dagdag pa ni Carding, nagiging problema na niya ang kanyang wisdom tooth at napupuyat na ito dahil sa sakit ng ipin. 

Pagkatapos ng kwentuhan ay nakarating na ang mga Wild Dogs sa Apostol Dental Clinic para sa dental X-ray ni Carding. 

Hindi naman nagkulang si Cong sa pag-hikayat kay Carding na ipabunot ang kaniyang mga wisdom tooth dahil napagdaanan na rin aniya niya ito. 

“Iba lang talaga yung lalim nung akin. Yung sa’yo, swerte ka kasi nakalabas na kaya ipabunot mo na!” panghihikayat ni Cong.

Sagot naman ng doktor: “Ang galing, nakikinig talaga si Cong!”

Extraction Time

Dahil bigo si Cong na pilitin si Carding na ipatanggal ang kanyang wisdom tooth, kinabukasan ay surpresa niya itong dinala sa dentista. 

“Ano ready ka na? Hindi pwede yung tatakas ka,” ani Cong.

Dahil wala nang choice, taas noong hinarap ni Carding ang kanyang wisdom tooth extraction at nanalangin na lang na maging matagumpay ito.

“Sobrang solid guys! Hindi totoo yung kinekwento ng tropa n’yo. Hindi yun totoo, and mabilis lang, mabilis lang yung proseso.” kwento nito. 

Watch the full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Ninong Ry Meets Gordon Ramsay at ‘Masterchef’-Inspired Show in Manila

Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…

5 hours ago

This is How Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez Navigate Marriage

Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…

9 hours ago

How to Score a Meet and Greet Pass With Viy Cortez-Velasquez at the VIYLine MSME Caravan

In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…

1 day ago

This is How Team Payaman’s Pat Velasquez-Gaspar Redefines Motherhood

Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…

2 days ago

5 Must-Try Easy-To-Follow Megalodon Dishes According to Dudut Lang

Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…

2 days ago

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

6 days ago

This website uses cookies.