Team Payaman Boys Rider Era? Pat Velasquez-Gaspar Reveals Wild Dogs’ New Hobby

Naging usap-usapan sa social media ang nakakatawang Facebook posts ni Team Payaman vlogger Pat Velasquez-Gaspar matapos isiwalat ang bagong pinagkakaabalahan ng Team Payaman boys, kasama ang kanyang mister na si Boss Keng. 

Bukod sa vlogging, nahuhumaling na rin aniya ngayon ang mga Wild Dogs sa pamamasyal gamit kani-kanilang mga motorsiklo.

TP Rider Era

Kamakailan lang ay nagtungo sina Boss Keng, Cong TV,  Michael “Mentos” Magnata, Limuel, at Adam Nieva sa Batangas gamit ang kanilang mga big bike. Bukod sa pamamasyal ay dinayo na rin ng mga ito ang probinsya upang makakain ng lehitimong Lomi mula sa Batangas.

Kaya naman, isiniwalat ni Pat Velasquez-Gaspar na nahihilig na ang asawa nitong si Boss Keng sa pamamasyal gamit ang bagong bili nitong big bike.

“At nagsibilihan na po sila ng big bike! Yung asawa ko nakatambay na lagi sa garahe pagkadilat ng mata, tinititigan lang niya itong bago niyang motor. Nagpapa angasan sila ng mga big bike doon sa garahe namin,” ani Pat sa isang Facebook post.

“Masaya ako for you! Pero ginagamit niya si Isla card para pumayag ako umalis siya ng alanganing oras, para siyang delivery rider na rumuruta pa Batangas at Tagaytay,” dagdag pa nito. 

Ayon naman kay Boss Keng, huling beses naman na raw ito dahil hindi na ito makaka-ride sa oras na dumating na ang kanilang Baby Isla.

Bukod kay Boss Keng, ibinida rin ni Pat ang “rider era” ng tatay nitong si Marlon Velasquez, a.k.a Papa Shoutout. 

Pinagkatuwaan ng Velasquez siblings ang naging tugon ng kanilang Mommy Jo kaugnay sa Facebook post ni Papa Shoutout na nanghihikayat mag ride. 

Venice Velasquez: “Ano pong masasabi n’yo sa iyong kabiyak na maglo-longride sa holy week?”

Jovel Velasquez: “Hay naku! Subukan n’ya! Dalhin ko sa kalakal yang motor n’ya!” 

Netizens’ Reactions

Hindi naman napigilan ng mga netizens na maaliw at ipahatid ang kanilang nakakatuwang mga reaksyon sa bagong hobby ng TP Wild Dogs.

Chloey Marri: “Buti po abot ni boss keng (yung motor)?”

Rose Fajardo: “Ganda niyan, magkano kaya inabot nito? bagong labas yan e!”

Madette Polo: “Hahaha narinig ko narin yan ‘last na toh pagnakalabas na si baby di ko na magagawa toh’”

Jolina Pagaling: “Mukang mag-lolong ride sa kalakal yan papa shawarawt!”

Saan nga ba hahantong ang rider era ng Team Payaman boys? Abangan ang iba pang mga kaganapan sa likod ng kanilang bagong hobby.

Yenny Certeza

Recent Posts

Dudut Lang Prepares for Doubles Tournament in Pickleball Session with Team Payaman

Matapos ang kanilang basketball rematch sa Star Magic All Star Games, ibang sport naman ang…

21 hours ago

Elevate your Home with Luxurious Fragrances from Perfect Scent by Viyline’s Room and Linen Spray

Perfect Scent by Viyline aimed to redefine the industry of home essentials when it introduced…

2 days ago

Cong’s Anbilibabol Team Exchange Nonstop Hilarious Banter in Pre-Game Moments

Ilang araw bago ganapin ang Star Magic All Star Games, tampok sa vlog ni Cong…

2 days ago

Yow Looks Back at Team Payaman’s Star Magic All Star Games Experience

Hindi lang basketball skills ang hatid nina Yow at Cong TV, kung hindi pati good…

2 days ago

Team Cortez, The Aguinaldos, and D’ Anicetos Go On a Fun Amusement Park Experience

Isang masaya at kwelang vlog collaboration ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang bagong YouTube…

3 days ago

Team Payaman Girls Channel ‘Girlhood’ Vibes in Their Vietnam TikTok Entries

Naghatid ng girlhood energy ang Team Payaman Girls sa kanilang TikTok entry serye mula sa…

6 days ago

This website uses cookies.