Bok’s New Business ‘Boksilog’ Booms in Team Payaman Fair

Bilang pakikiisa sa Team Payaman Fair, isang silog meal business ang sinimulang buksan ng Team Payaman Wild Dog na si Carlos Magnata, a.k.a Bok.

Ibinahagi ngayon ni Bok ang kanyang naging paghahanda para sa bagong business venture na talaga namang pinilahan sa nagdaang TP Fair. 

The Preparation

“Syempre hindi ako magpapahuli! Magbu-business rin ako!” panimula ni Bok.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Bok ang kanyang bagong pinagkakaabalahang negosyo na una na niyang ipina taste test sa kanyang mga kasamahan sa Congpound.

Sa tulong ni Dudut Lang, unti-unti sinimulan nila Bok ang mga recipe na ihahain sa menu ng Boksilog

Bukod sa bacsilog (bacon, sinangag, at itlog), isa rin ang hungarian sausage, longganisa, at nuggets sa mga isinama nito sa kanyang menu.

Unang pinatikim ni Bok ang kanyang mga paninda kina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na dumayo pa mula sa kanilang bahay.

“Ang crunchy [nung nuggets]. Ang sarap! Ang sarap ‘nung food! Kapag sinamahan mo nito [Boksilog chili sauce], mas masarap!” reaksyon ni Pat.

“Ang sarap! Panalo!” ani Boss Keng.

Matapos ipatikim sa mag-asawang PatEng, isang batch muli ang inihanda nina Bok at Dudut para naman sa iba pa nilang mga kasamahan sa Congpound.

“Lahat sila hindi masarap… Kasi sobrang sarap!” inisyal na reaksyon ni Burong.

Boksilog at TP Fair

Nitong nagdaang March 8-12, isa si Bok sa mga Team Payaman members na nagbukas ng kaniyang sariling food business.

Matapos ang paghahanda nito sa Congpound, taas noong sumabak ang TP Wild Dog sa Team Payaman Fair upang inalok ang kanyang silog meal business.

“Nung nakita namin ‘yung Boksilog, sure na oorder na [kami]!” kwento ng isang taga-suporta.

“Ang sarap ng Boksilog! Lalo na yung Chili Con Rice!” ayon naman sa isang customer.

Ayon naman sa former Goin’ Bulilit star na si Jairus Aquino: “Bumili ako ng hungarian, bumili ako ng bacon. Guys tikman n’yo! Sobrang solid!” 

Ang Boksilog ay pinilahan sa TP Fair hindi lang ng mga fans kundi maging kapwa Team Payaman members  nito. 

“Dahil pinakita n’yo yung suporta nyo sa Boksilog, paghuhusayan ko pa!” pasasalamat ni Bok. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

21 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.