WOW: Ako si Dogie Sells Php120K Worth of Merch During Team Payaman Fair

Tumataginting na 116,000 pesos! ‘Yan ang inabot ng benta ng batikang eSports player at influencer na si “Ako si Dogie” sa nagdaang Team Payaman Fair. 

Isa ang clothing apparel business ni Dogie na “Archives” sa mga negosyong itinampok sa limang araw na Team Payaman Fair sa SM Megamall Megatrade Hall noong March 8-12, 2023. 

Sa vlog ng kanyang partner na si April Joy Barrueso, ibinahagi nilang ikinagulat nila ang dami ng sumuporta sa kanilang negosyo at bumili ng kanilang mga produkto. 

Last minute decisions

Inamin ni Dogie na noong una silang inimbita ni VIYLine CEO Viy Cortez para makiisa sa Team Payaman Fair ay nagdalawang isip pa sila na sumali. 

“Ako noong una, I’m being transparent ha? Ate Viy, alam ni AJ ‘to, noong minessage mo siya, sabi ko ‘Baby, hassle kasi galing tayong Pangasinan tapos baka langawin,’” kwento ni Dogie kina Cong TV at Viy sa isang vlog.

“Natatakot talaga ako, kasi first time ko to! Sabi niya (AJ) i-try lang natin, pinu-push niya ko. Sabi ko, sige. Tapos ang daming benta tol!” dagdag pa nito. 

Kwento pa ng kilalang Mobile Legends streamer, sobrang nag-enjoy siya  sa Team Payaman Fair kahit pa halos hubarin na niya ang kanyang mga suot na damit para lang ibenta. 

Sa eksklusibong panayam ng VIYLine Media Group, ipinaliwanag din ni Dogie kung bakit “Archives” ang pangalan ng kanyang clothing line. 

“Yung merch ko, pag sinabi mo kasing ‘Dogie merch’ parang binubuhat ko kasi. Gusto ko mag-isang bumubuhat yung pangalan ng merch ko na pag binili mo hindi dahil kay Dogie, binili dahil gusto mo.” 

Supporting fellow influencers

Bukod sa pagbebenta ng kanyang mga produkto, sinikap din ni Dogie na mamili sa booth ng mga kaibigang influencer gaya nina Boss Keng, Yow, Roger Raker, Whamos, Billionaire Gang, at maging ang souvenir booth ng Team Payaman Fair.  Tumulong din silang magbenta sa booth ng Rabbies Cosmetics ni Rana Harake na kapatid ni Zeinab Harake.

“Ibang klase! Nakakatuwa nandoon yung mga content creator nagsama sama sa isang event. Nakakatuwa kasi nandun kami nagbebenta, nakikipag usap kami sa fans, nakikipag lokohan kami sa fans,” ani Dogie. 

“Thank you so much, ang daming bumili sa Archives! Thank you so much sa mga bumili, hindi nyo alam kung gaano ko na-appreciate yun pagpunta nyo doon at pagbili,” dagdag pa nito. 

120K Sales!

Samantala, wala namang paglagyan ang pasasalamat ng partner ni Dogie sa oportunidad na binigay sa kanila ni Viy Cortez para mapasama sa Team Payaman Fair. 

“Thank you so much, Ate Viy sa pag-invite sa’min!” ani AJ. 

“Sobrang grabe, hindi ko na alam sasabihin ko sa sobrang grateful namin na ininvite kami! Grabe, solid talaga kayo! Thank you so much guys!”

Kwento pa ni AJ, halos maubos na ang kanilang stocks dahil sinimot ito ng mga dumalo sa nasabing bazaar. 

“Grabe sobrang saya kagabi! Sobrang dami naming nabenta! Naka 116 (thousand) kami na benta kahapon, in just one day ha? Talagang good business ‘to si Dogs, maganda ‘to maging mannequin!”  

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1075
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *