Carding Magsino Blows Team Payaman’s Mind With ‘Myth or Fact’ Trivia

Isa na namang mind-blowing content ang hatid ng resident Physical Therapist at Walking Google ng Team Payaman na si Carding Magsino.

Sa kanyang bagong vlog, muling namangha ang mga kasamahan ni Carding sa Congpound sa kanyang baong kaalaman tungkol sa mga tradisyonal na paniniwala ng mga Pilipino.

Old School Beliefs

Ibinahagi ni Carding Magsino ang kanyang planong puksain ang mga lumang paniniwala batay sa kanyang mga pinag-aralan sa Science.

“May gusto akong kwenstyuinin. Mga paniniwala na matagal na dapat nating kinekwestyon kasi 2023 na! Mga paniniwalang hindi natin alam kung totoo ba o sabi-sabi lang,” panimula nito.

Unang inusisa ni Carding ang housemate nitong si Kevin Hermosada ng isang paniniwala na may kinalaman sa pagiging isang musikero.

“Ang pag-inom ba ng tubig ay nagca-cause or nagwo-worsen ng sore throat?” tanong nito.

Sagot naman ni Kevin: “Feeling ko myth s’ya kasi sakin umiinom ako ng malamig, and after ko kumanta, umiinom ako malamig, wala naman nangyayari” 

Agad din namang sinang-ayunan ni Carding ang sagot ng kaibigan.

Sunod na tinanong ni Carding si Yow Andrada kung totoo bang nakakatunaw ng mga taba kapag pinagpapawisan.

“Fact!” taas noong sagot ni Yow.

“Myth s’ya. Hindi s’ya totoo. Kapag pinagpapawisan ka, hindi ibig sabihin nagbu-burn ka ng fat. Kasi para mag-burn ka ng fat, alam mo kung ano dapat mangyari? Kailangan hingalin ka,” paglilinaw ni Carding.

Si Dudut naman ang sunod na sinubok ni Carding tungkol sa kaalaman nito sa paniniwala ng mga Pilipino.

“Pagkatapos mong mag-exercise o pagkatapos mo pawisan ay bawal ka raw maligo?” tanong ni Carding.

“Myth!” sagot ni Dudut.

“Tama, myth s’ya guys. Pwede ka maligo after mo mag-exercise kasi wala namang studies na nagsasabi na bawal maligo after mag-exercise,” ani Carding.

Sunod na sumabak sa tagisan ng kaalaman sa mga paniniwala si Mentos.

“Totoo ba ang sabi-sabi ng mga matatanda na kapag naligo ka sa ulan ay lalagnatin ka?” usisa nito.

Sagot naman ni Mentos: “Pwede ka magkasakit galing sa ambon, kasi nangyari na sa akin ‘yun eh!”

Sumang-ayon din naman si Carding sa sagot ni Mentos, “Actually, it’s between the fact and myth. Pag naligo ka sa ulan, hindi ibig sabihin lalagnatin ka. Pag nabasa ka kasi ng ulan o ambon, bumababa yung temperature ng tao at mas nagiging malakas yung mga virus sa katawan.”

Si Burong naman ang sumunod na tinanong ni Carding kung fact o myth ba ang mga sabi-sabi ng mga matatanda.

“Alam mo ba na hindi nakakabulag ng mata kapag natutulog ka ng basa yung buhok? Alam mo pwede mangyari sa’yo? Magkapimples!” ani Carding.

“Wala namang correlation yung pagbasa ng buhok mo sa paglabo ng mata mo ‘eh!” dagdag pa nito.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1163
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *