Clouie Dims Celebrates Birthday at Congpound with Team Payaman

Masayang ipinagdiwang ni Clouie Dims ang kanyang ika-25 na kaarawan sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng Congpound.

Kasama ang kanyang mga housemates sa loob ng Content Creator House, isang memorable birthday vlog ang hatid ng TP Wild Cat na si Clouie.

Happy Birthday, Clouie!

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Clouie ang naging paghahanda para sa simpleng selebrasyon ng kanyang kaarawan sa loob ng Content Creator House sa Congpound.

“Happy birthday, Clouie. Ang message ko sa’yo ay good health. Kung napapanood mo ‘to, proud ako na narating mo ang araw na ‘yan. Ang wish ko ay magyabong yung career ng mga taong nasa paligid ko,” paunang mensahe ni Clouie sa sarili.

Matapos maghanda, sinamahan ni Aki Angulo at Abi Campañano ang birthday girl sa pamimili ng mga kakailanganin para sa kanyang simple birthday celebration.

“Napagdesisyunan ko kasi na this year, ice-celebrate ko ‘sya [birthday ko]. Last year kasi, parang buong araw lang akong nasa kwarto. Kaya ito yung bawi ko for myself!” pagbabahagi ni Clouie.

Ilang sandali lang ay sinimulan na ng birthday girl ang pag-aayos ng kanyang balloon decors para sa kanyang mandatory Instagram post.

Mini Celebration

Pagdating ng hapon ay nagbahagi ng merienda si Clouie para sa kanyang mga kasamahan sa Congpound. Ang mga putahe gaya ng Pichi-Pichi, Barbeque, Pancit Malabon, at cake ay mula pa aniya sa kanyang pamilya.

Unang sumabak sa kainan ang long-time boyfriend ni Clouie na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang at TP editor-turned-vlogger na si Steve Wijayawickrama

Dumalo rin sa simpleng selebrasyon ni Clouie ang Team Payaman headmaster na si Cong TV kasama ang fiance nitong si Viy Cortez.

“Happy birthday, Clouie! Maniningil lang ako ng renta!” biro ni Viy.

Matapos ang masayang kainan, sabay-sabay na kinantahan ng grupo ang birthday celebrant.

Unexpected Gift

Ilang araw matapos ang kanyang kaarawan, sinurpresa naman ni Dudut ang kanyang nobya dala ang kanyang birthday at Valentine’s Day gift.

Biro ng birthday girl, ang nasabing regalo ay hindi lang para sa kanyang kaarawan at Valentine’s Day, kundi pati na rin Pasko, Bagong Taon, at iba pang okasyon.

“Itong camera na ‘to nakikita ko rin ‘to sa pinapanood ko na vlogger. O ‘di ‘ba, ka-level ko na s’ya ngayon? Wow, feeling!” biro ni Clouie.

Dahil hindi marunong mag-set ng bagong camera, to the rescue naman ang kanyang kapwa Team Payaman vlogger na si Steve Wijayawickrama.

“Sobrang compact at liit n’ya, pero the quality of this camera is really top-notch!” ani Steve.

Labis naman ang pasasalamat ni Clouie kay Dudut sa pagtupad sa pagbili ng kanyang dream camera.

“Guys, ganito kasi ‘yan, dumating si Beigh noong February 10, February 11 birthday ni Clouie. Eh dumating si Beigh na may bagong camera, naghanap kami ni Steve ng second hand. It’s an upgrade from iPhone,” kwento ni Dudut.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

5 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

16 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

This website uses cookies.