Clouie Dims Pranks Mom and Team Payaman with Fake Tattoos

Isang nakakatuwang prank ang hatid ngayon ni Team Payaman member Clouie Dims kung saan biktima ang kanyang nanay at ilang kasamahan sa Congpound. 

Fake tattoo prank lang naman ang inihanda ni Clouie at siniguro nitong maidokumento ang kanilang reaksyon. 

It’s a prank!

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Clouie Dims ang pag-prank sa kanyang ina at mga kaibigan at kapwa vloggers ng Team Payaman.

Dahil pansamantalang umalis ng bahay ang kanyang nobyo na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, naisip ni Clouie na pag-tripan ito sa tulong ng ilang TP Wild Dogs gaya nina Burong at Kevin Hermosada.

Unang naisip ni Clouie na gulatin si Dudut dahil alam niyang nerbyoso ito. Sa kabilang banda, kakaiba naman ang naisip ni Burong.

“Parang ‘di naman nakakatawa yun? Pag umalis tayong lahat tapos dumating s’ya dito ng wala tayo, for sure matutulog lang ‘yan!” biro ni Burong.

Bagamat walang naisip na prank para kay Dudut, may isa pang ideyang si Clouie sa tulong ng kanyang mga tattoo stickers.

“Ilalagay ko ‘to sa braso ko tapos tatawagan ko ang aking mother!” kwento ni Clouie.

The Reactions

Unang tinawagan ni Clouie ang kaibigan at kapwa vlogger na si Tita Krissy Achino, a.k.a Chino Liu. 

“Nagpa-tattoo ka? Nakakairita! Thanks for the invite!” ani Chino.

Agad din sinabihan ni Clouie ang kaibigan nitong si Patricia Pabingwit, ang executive assistant ni Viy Cortez. 

“Legit ‘yan?” tanong ni Pat.

Sagot naman ni Clouie: “Ano akala mo sa akin? Scared?”

Sunod na tinawagan ni Clouie ang kanyang ina upang ipahatid ang balita na nagpa-tattoo na ang kanyang anak.

“Nagpa-tattoo ka? Napaka-ano mo sa katawan! Anong bakit bakit?! Babatukan kita eh!” nagngangalit na reaksyon nito.

Matapos i-prank ang kanyang ina ay agad namang hiningi ni Clouie ang reaksyon ng kanyang mga kasamahan sa Congpound gaya nina Yoh at  Junnie Boy.

Ilan lang sina Yoh at Junnie sa mga matagal ng may tattoo sa Team Payaman kaya naman agad nilang napansin ang fake tattoo ni Clouie.

“Bakit yung isa natatanggal? Wow! Masakit?” pabirong tanong ni Yoh.

Ayon naman kay Junnie Boy: “Tattoo? Eh sticker yan! Para kang kulto eh. Tapos kinabit 15 minutes lang?”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

7 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

10 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

11 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.