Vien Iligan-Velasquez Walks Fashion Runway for the First Time

Isa na namang pangarap ni Team Payaman member Vien Iligan-Velasquez ang natupad kamakailan lang, ito ay ang pagrampa sa kanyang kauna-unahang fashion show experience.

Sa pamamagitan ng Shoepatos Custom Made Shoes by Doreen Odvina, naisakatuparan ang matagal nang pangarap ng 26-anyos na vlogger at entrepreneur. 

First Runway Experience

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Vien ang isang malaking oportunidad at proyekto na ginawa nya sa pagsisimula ng taong 2023. 

Ayon sa TP Wild Cat na si Vien, personal na ginawa ng Shoepatos Custom Made Shoes na pagmamay-ari ni Doreen Odvina ang kanyang bridal shoes na ginamit noong kasal nila ni Junnie Boy.

“So ininvite tayo ni Ms. Doreen Odvina para sa kanyang 40th birthday, pero ang kanyang 40th birthday guys ay may magaganap na runway fashion [show]! Inimbitahan n’ya tayong maging model!” buong galak na kwento ni Vien.

Walang pag-aatubiling naghanda ang ngayo’y mother-of-two para sa kanyang kauna-unahang runway fashion show experience.

“Gusto ko talagang maging model. And ayun nga, tinupad ni Ms. Doreen, so hindi ko talaga tinanggihan!” dagdag pa nito.

Unang pinuntahan ni Vien ang Shoepatos Store upang sukatin ang gagamitin na sapatos sa kanyang pag-rampa.

Game na game ring sumabak si Mommy Vien sa rehearsals ng kanyang first runway modelling event.

Matapos ang rehearsals ay nagtungo na agad si Vien sa kanyang hotel room upang maghanda para sa kanyang big day. Diretso hair and makeup na rin ito bago tuluyang suotin ang kanyang outfit at footwear.

“Nakakahiya, ang daming mga models!” biro ni Vien.

Beautiful in white and knee-high bridal boots ang peg ni Mommy Vien sa kanyang runway look para sa Shoepatos fashion show.

Naging tagumpay naman ang unang fashion runway experience ng maybahay ni Junnie Boy at labis ang pasasalamat kay Doreen Odvina. 

Netizens’ Reactions

Ikinatuwa naman ng mga kaibigan, pamilya, at mga taga-suporta ni Vien sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. 

Pat Velasquez – Gaspar: “Congrats Vien, I’m so proud of you!”

J. A. M. B.: “Parang nung kelan lang sa vlog nila nila pat, viviys at tyang venice sinabi ni vien sinabe niya gusto niyang maging model. Ngayon natupad naaaaa! Congrats Viensters!!!”

Cher Donna Macaspac: “One of the best! One milestone was achieved you’re shining in the event Miss Vien! The new edit was wonderful and suits you well!”

Marchie Abegail Joy Velez: “Pretty Momma 🌸 Parang di nanganak 💕 Deserve na deserve mo lahat ng opportunities and blessings na dumadating sayo ☺️

Ella Merel De Vera: “Ganda ng edit ng vlog mo for today’s bidyow ate Vien! Congratulations on your first modelling gig!”

Ressie Kyo: “Mommy vien!!! Super bagay sayo maging model! My gosh habang tumatagal paganda ka ng paganda!”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

13 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

24 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

24 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

24 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.