Boss Keng Tours Viewers in ‘KengPound’ or Boss Madam House in Congpound

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinida ni Boss Keng ang kanyang sariling tahanan sa tinaguriang “Congpound” ng Team Payaman. Binasagan naman nito ang bahay nila ng misis na si Pat Velasquez-Gaspar bilang “KengPound.”

Sa kanyang bagong vlog, pinagbigyan ni Boss Keng ang hiling ng kanyang mga fans na magkaroon ng virtual tour sa kanilang Congpound unit. 

Boss Madam House

Sa nasabing house tour, unang ipinakita ni Boss Keng ang itsura ng unang palapag ng kanilang bahay kung saan matatagpuan ang sala, hapagkainan, at powder room.

“Pagpasok mo rito may salamin na malaki, may chandelier, may lamesa, wala pa nga lang sofa!” ani Boss Keng.

Ipinakilala rin nito ang tinaguriang “angel” o house helper sa Boss Madam House. 

“Si Nanay Mercy yung angel namin, kung wala siya, patay kaming lahat!” biro ni Boss Keng.

Sunod na pinasok ni Boss Keng ang kwarto ng mga video editors na si Angel Amaqui at Rhomil Francisco na ngayo’y solo tulugan at may sari-sariling kama pa.  

Sunod na ibinida ni Boss Keng ang kanilang munting kusina na matatandaang inayos ng kanyang maybahay na si Pat.

Ipinasilip din ni Boss Keng ang kwarto ng kanilang mga driver na si Michael “Mentos” Magnata at Kuya Lim na kanyang pabirong tinawag na “mga bungal”

Sunod na nilibot ni Boss Keng ang munting kwarto ng kanilang executive assistant na si Hannah Yu, kasama si Nanay Mercy.

Ilang sandali pa ay ibinida rin ni Boss Keng ang Masters Bedroom nila ng asawa na si Pat Velasquez-Gaspar.

“Nandito rin yung veranda kung saan tumatambay kami, maririnig n’yo yung hangin d’yan guys pag nagpapahangin kami,” kwento ni Boss Keng.

Huli n’yang ipinakita ang editing room na kung saan dito kadalasang tumatambay at nagtatrabaho sina Angel at Rhomil.

The Makeover

Samantala, nagkaroon din ng kakaibang twist ang nasabing house tour matapos pagbigyan ni Boss Keng ang matagal ng hiling ng “Boss Madam Staff” na magpa hair makeover sa Glam Central Salon and Spa by Pat and Keng

“Ito ang twist: sabi ko ‘Sige, basta color of my choice!”

Habang isinasagawa ang ang virtual house tour, pinapili ni Boss Keng si Angel nang magiging kulay ng buhok nito. Sa kasamaang palad, ang kulay pula ang napili ng kanyang editor. Sa kabilang banda, nabunot naman ni Rhomil ang color brown para sa kanyang new hairstyle.

Sunod na pinabunot ni Boss Keng ng kulay ng buhok sina Mentos at Kuya Lim, kung saan nakuha rin ni Mentos ang kulay pula at brown naman kay Kuya Lim. 

“Welcome sa aming tahanan! Ngayon ay pumunta na tayo sa Glam Central!” ani Boss Keng matapos ang house tour.

Agad nagtungo ang grupo sa nasabing salon na matatagpuan sa Unit 21-22 Plazuela de Molino, Molino Blvd., Bacoor Cavite.

Bago pa man simulan ang kanilang 2023 makeover, napagkasunduan ng lahat na color brown na lang ang magiging kulay ng buhok ng bawat isa, na agad namang inaprubahan ni Boss Keng.

Matapos ang ilang oras ay natapos na rin ang special makeover ng Team Boss Keng sa kanilang bagong hairdo. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman Wild Cats Share Life Revelations in Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog

​ Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…

4 days ago

Make Every Summer Trip Extra Flavorful with King Sisig in a Jar

Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…

6 days ago

Cong TV Takes On Extreme Fishing Challenge For Wife’s Tuna Cravings

Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…

6 days ago

Team PYMN Clothing Drops Two New RawBlock Collection Designs

Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…

1 week ago

CARambola EP 2: Netizens Poke Fun Of Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog Collaboration

Isang hindi inaasahang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad ang mapapanood sa bagong episode ng vlog…

1 week ago

Rally with Team Payaman’s Pat and Keng at the Playhouse Pickle Tournament 2026

Get ready to serve, smash, and score at the highly anticipated Playhouse Pickleball Tournament happening…

1 week ago

This website uses cookies.