One Last Payamansion Meal: Chef Enn Cooks Team Payaman Favorite Dishes for the Last Time

Para sa huling pagkakataon sa Payamansion, muling ipinagluto ni Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn ang Team Payaman ng kanilang all-time favorite dishes. 

Bukod sa kanyang huling luto ng Ginisang Monggo, inihain ni Chef Enn sa kanyang mga kasama sa Payamansion ang malulupit na recipe ng Pork Sinigang, Fried Chicken, at Gisang Gulay. 

Huling Sinigang

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Chef Enn ang paghahandang ginawa para sa huling putahe na kanyang lulutuin para sa Team Payaman.

Ayon sa kusinero, Pork Sinigang ang kanyang ihahain para sa mga taga-Payamansion. Ginawa niya itong mas  espesyal at sinamahan ng buntot at spare ribs ng baboy.

Bago tuluyang simulan ang pagluluto, sinama ni Chef Enn ang kanyang mga manonood sa muling paglibot sa loob ng pinakasikat na content house sa bansa. 

“So ayun guys, kaya ako nagluto kahit walang tao kasi mamaya babalik sila rito para hakutin lahat ng mga gamit na natitira,” paliwanag ni Chef Enn.

Matapos maglibot ay nagsimula na itong maghanda ng kanyang mga lulutuin. Unang ibinahagi ni Chef Enn ang mga sangkap na gagamitin sa Pork Sinigang gaya ng sibuyas, kamatis, labanos, kangkong, sitaw, at talong.

Idinagdag din ng Chef na balak n’ya rin na maghanda ng vegetable stir fry at fried chicken upang kumpletuhin ang kanilang one last Payamansion meal.

Sinimulan nang maghiwa ni Chef ng mga sangkap at agad itong inayos upang simulan na ang kanyang pagluluto.

Unang isinalang nito ang buntot at spare ribs ng baboy, sabay halo ng iba pang mga sangkap. Habang hinihintay lumambot ang karne, sinabay na rin ni Chef Enn ang pagprito nito ng manok, at paggisa ng gulay.

Matapos ang ilang sandali ay inilipat na ni Chef Enn ang kanyang mga niluto sa isang lalagyan upang tuluyan nang makain ng kanyang mga kasamahan sa Payamansion.

“Ayan na yung huling Sinigang natin dito sa Payamansion,” saad ni Chef.

Taas noo pa ring hinarap ni Chef Enn ang kanyang paglisan sa Payamansion kung kaya naman nangako ito ng marami pang content sa mga susunod na buwan.

“Chef Enn is now signing off in Payamansion” aniya.

Netizens’ Message

Samantala, hindi naman napigilan ng mga netizens na ipahayag ang kanilang mensahe sa opisyal na chef ng Team Payaman sa loob ng dalawang taon.

Eri: “Napakalaking advantage na rin ang mapa sama sa TP. Dahil ang goal talaga ni Cong, mapa angat ang mga nasa paligid niya. Nag tagumpay naman siya don, kasi tignan mo si chef, kuya inday and yung tinulungan nyang si kulob, nakikala sila ng mga tao. Nasa mga taong natulungan ng TP, especially kuya Cong kung paano nila gagamitin yung opportunities na nabigay. Pero solid padin lahat kayong mga nakasama ng TP. Goodluck to your journey chef. Magkikita-kita pa kayo”

Bonzer: “Chef, support lang ako sayo all the way! Keep on cooking and stay safe and healthy.”

Saralyn Marqueses: “Sa sobrang emosyonal ko recently, lagi ko talaga iniiyakan mga pa-throwback sa Payamansion 2… sana makabalik ka ulit na TP ang paghahandaan mo ng mga luto mo Chef… sending love and support from CamSur!”

Darren Escobar: “Salamat sa Shout out CHEF! Sana marami kapang Gawin cooking vlog , MORE POWER CHEF!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
848
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *