Body Odor Management Tips by Team Payaman’s Carding Magsino Will Blow Your Mind!

“Paano ko sasabihin sa kanya na mabaho siya?”

Ayan ang isang katanungan na madalas nating naiisip tuwing may nakakasalamuha tayo na may hindi kanais-nais na amoy. 

Sa panibagong makabuluhang vlog ni Carding Magsino, muli tayong madadagdagan ng kaalaman sa kung saan nga ba nagmumula ang body odor at mga paraan upang maiwasan ito.

Common Causes of Body Odor

Saan at ano nga ba ang mga dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng body odor? Yan ang naging tanong ni Carding sa kanyang mga kasamahan sa Team Payaman. 

Ayon kay Mentos, ito raw ay dala ng ating pagpapawis; para naman kay Steve Wijayawickrama, ito ay dahil sa mga pagkain na pumapasok sa ating katawan. 

Hindi rin naman nagpahuli sa kanyang ideya si Jocen at sinabing, nakukuha ang body odor sa tela ng mga damit na ating sinusuot. 

“Ako sa (tingin ko dahil sa) damit eh! Kasi nung nag-aaral pa ko, di ba yung mga uniform madaling mangamoy?”

The Truth About Body Odor

Isang makabuluhang pagpapaliwanag ang ginawa ni Carding upang mas maipaunawa sa kanyang mga kaibigan at mga manonood ang mga katotohanan tungkol sa pagkakaroon ng body odor. 

Ayon kay Carding, base sa isang pag-aaral, ang pawis ng tao ay may dalawang klase. Ang Eccrine Sweat Glands na kadalasang nakikita sa ating balat, mga braso at mga hita. Ang nilalabas nito sa ating katawan ay tubig at asin na nagiging sanhi kung bakit maalat ang ating pawis.

Samantala, ang Apocrine Sweat Glands naman na matatagpuan sa ating mga kilikili, singit, nipple areas, at tenga na naglalabas naman ng proteins at fats. 

“Pero alam niyo ba na yung pawis na nilalabas ng katawan natin, lahat sila, Eccrine man o Apocrine, they are all odorless. Wala silang amoy.”

“Nagkakabody odor ka sa kinakain mo, posible rin naman, pero napakaliit na percentage lang nito. Pero, malaking factor din yung genes.”

Sa kabilang banda, ang mga maruruming damit na ating sinusuot ay maaari ring magdulot ng body odor dulot ng mga bacteria. 

Pero ani Carding, ang ilang bacteria gaya ng Staphylococci, at Micrococci sa ating katawan ang tunay na rason kung bakit nananatili ang kakaibang amoy.

Proven and Tested

Sa kabila ng mga kaalamang inilatag ni Carding, tila hindi pa rin kumbinsido sina Mentos, Steve, at Jocen kaya’t hinamon niya ang mga ito sa isang pagsubok.

Sa nasabing eksperimento, napatunayan ng grupo na hindi malaki ang epekto ng pagkain at tela ng damit sa pagkakaroon ng body odor. 

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng masangsang na amoy, pinaalalahanan ni Carding ang kanyang mga manonood na ugaliing maligo araw-araw. 

“Dapat silang maligo. Ang deodorant, bina-block niya yung pores na pinaglalabasan nung mga sweat glands kaya may mga anti-perspirant na deodorant.”

Watch full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
436
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *