Team Payaman Claims 2023 Prosperity with Growing Business Ventures

Hindi lang vlogging ang napiling karera ng ilang mga miyembro ng Team Payaman dahil ngayong taon ay sumabak na rin ang karamihan sa mga ito sa pagnenegosyo.

Ikinatuwa ng mga netizens ang patuloy na paglaganap ng negosyo para sa mga miyembro ng Team Payaman ngayong 2023.

“Payaman” Is Real

Nakilala ang Team Payaman bilang isa sa pinakasikat na grupo ng content creators sa bansa. Higit singkwenta na katao ang bumubuo sa nasabing grupo na kinabibilangan ng mga vloggers, video editors, at kani-kanilang executive assistants. 

Bukod sa vlogging ay pinasok na rin ng ilang sa kanila ang industriya ng pagnenegosyo sa iba’t-ibang larangan kagaya na lamang ng pagkain, cosmetics, clothing, atbp.

Ika nga ni Cong TV, “Mata sa langit, paa sa lupa!” na siyang kanilang naging motto sa patuloy na pag-angat sa buhay sa tulong ng paggawa ng vlogs.

Kaya naman kaliwa’t kanan ang papuring natatanggap ng nasabing grupo dala ng kanilang sipag, tyaga, at pagnanais na magkaroon ng ibang pagkakakitaan. 

Growing Business Ventures

Sa isang Facebook post ni Viy Cortez, ibinahagi nito ang patuloy na paglaki ng mga negosyo ng kanyang mga kasamahan sa loob ng Payamansion.

Bukod sa kanyang sariling negosyo na VIYLine Group of Companies, ipinagmamalaki din ng 26-anyos na vlogger ang iba’t-ibang negosyo na pinagkaka-abalahan ng kanyang mga kaibigan.

“Lord sana madagdagan pa ang mga negosyo ng mga members ng TP ngayong 2023!” ani Viy.

Ang mga sumusunod na personalidad mula sa Team Payaman ay nagmamay-ari ng negosyong swak na swak sa kinahihiligan mo! 

Viy Cortez

  1. VIYLine Cosmetics – Cosmetic Products
  2. VIYLine Skincare – Skin and Body Care Products
  3. VIYLine Media Group – Digital News and Media Agency
  4. Tea Talk Franchised by Viy Cortez – Milktea and Snacks Restaurant
  5. Don C by VIYLine – Cooked Chicken Products
  6. TP Kids – Educational books and learning materials

Cong TV

  1. Cong Clothing – Clothing Line
  2. Big Roy’s Boodle Fight by Team Payaman – Boodle Fight Restaurant
  3. Wheelz On The South – Automotive Dealership

Junnie & Vien Iligan-Velasquez

  1. Giyang Clothing – Clothing Line
  2. Pay A Wash – Laundry Service
  3. Be Rich Water Station – Water Products/Services

Boss Keng & Pat Velasquez-Gaspar

  1. Wagyuniku by Pat and Keng – Barbecue Grill Restaurant
  2. Glam Central Salon by Pat and Keng – Beauty and Wellness Salon
  3. BOSS’ Apparel – Clothing Line
  4. Ad Maiora Sole Collection – Women Footwear Brand

Dudut de Guzman & Clouie Dims

  1. Overbreak – Coffee Shop

Kevin Hermosada & Abigail Campañano

  1. Tibabi’s Kitchen – Pastries Shop

Mentos (Michael Magnata)

  1. Haring Bangus – Milkfish Variety Store

Burong Macacaua

  1. Pure Drops Scents – Car Fragrance/Perfume Store

Carding Magsino

  1. Kinaadman Cafe – Coffee Shop

Manatiling naka-follow sa kanilang opisyal na Facebook at Instagram pages upang maging updated sa kanilang mga deals, promotions, at announcements!

Netizens’ Support

Sa nasabing post ni Viy Cortez ay umulan naman ng suporta at positibong komento mula sa mga netizens.

Alyssa Lising: “MORE BLESSINGS TO COME ATE VIVIYS!!!”

Loisa Ann Raymundo Dominguez: “Goodluck sa mga business ng TEAM PAYAMAN DESERVE NYO PO LAHAT NG BLESSINGS! GODBLESS! PAWERRR!”

Shielame Trocio: “God is good walang imposible kay god ,magtiwala lang tayo sa kanya Ms Viy!”

Mhenggay Dela Cruz: “Hoping din po yung small business namin Ms. Viy, katulad ng sa inyo. Magboom po sana. Godbless po sa buong team payaman.”

Yenny Certeza

Recent Posts

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

10 hours ago

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

4 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

6 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

6 days ago

This website uses cookies.