Team Payaman Spend a Day as Service Crew in McDonald’s

Bukod sa vlogging, sumabak na rin sa pagiging all-around crew ang ilan sa mga miyembro ng Team Payaman sa tulong ng McDonald’s Philippines.

Bago matapos ang taon ay natupad na ang pangarap ng ilang miyembro ng TP Wild Dogs na masubukan maging isang service crew ng nasabing sikat na fast food chain.

TP Wild Dogs as McDonald’s Crew

Sa bagong vlog ni Cong TV, ipinasilip nito ang mahalagang agenda na gagawin ng Team Payaman boys para sa araw na iyon dahil sasabak lang naman silang maging service crew sa loob ng walong oras. 

“Kasama ko ang Team Payaman para maging McDonald’s crew for a day!” panimula ni Cong. 

Agad nitong itinalaga si Beigh Sunga bilang assistant manager dahil sa kanyang karanasan bilang isang crew ng McDonald’s noong 2019. 

“First day palang, promoted agad?” biro ni Burong.

Agad ding itinalaga ni Cong TV ang Team Payaman boys sa mga sumusunod na responsibilidad:

  • Chicken Station: Junnie Boy and Boss Keng
  • Drive Thru: Burong
  • Beverages: Ephraim Abarca
  • Assembly: Michael Magnata, a.k.a Mentos and Kevin Hermosada
  • Self-Ordering Kiosk Staff: Carlos Magnata, a.k.a Bok
  • Cashier/ Counter: Steve Wijayawickrama and Carding Magsino 
  • Service Crew: Kuya Terio
  • Assistant Manager: Beigh Sunga

The Real Challenge

Ayon kay Cong TV, sila ay naatasan na magluto, mag-pack, at mag-serve ng dalawang libong meals sa loob ng walong oras.

Taas noo’ng tinanggap ng Team Payaman ang hamon at nagkaroon ng kani-kanilang strategy upang matapos ang misyon at maabot ang kanilang quota.

Bilang isang hands on na manager, maya’t-maya naman ang pagsilip ni Cong TV sa kanyang mga crew upang makita ang performance sa kani-kanilang mga istasyon.

Dahil tila malabo ng maabot ng grupo ang kanilang quota na 2,000 meals, agad namang gumawa ng paraang si Manager Cong upang sa gayon ay matapos na ang kanilang misyon. 

“400 [orders] palang di ‘ba? Ito, 1000 [orders] na. Hataw tayo guys! Umorder ako 600 na manok para matapos na tayo rito,” ani Cong TV.

Ayon kay Carding, umabot ng P49,200 ang sinagot ni Manager Cong upang makatulong sa nasabing McDonald’s branch na maabot ang kanilang 2,000 order quota.

Ang mga nakalap na orders ay agad din namang pinamimigay ni Cong TV sa mga customer ng McDonald’s at ilan pang mga dumadaan sa nasabing branch.

Matapos ang ilang sandali ay masayang ibinahagi ng store manager na kanilang naabot ang 2000-order quota para sa nasabing araw.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1099
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *