Kilala si Steve Wijayawickrama sa kanyang katagang “Hello there, my friend” na talaga namang tumatak sa buong Team Payaman maging sa mga taga suporta nito.
Pero bago matapos ang taong 2022, isang rebelasyon ang isiniwalat ni Steve sa katotohanan sa likod ng hindi nya pagsasalita gamit ang Wikang Filipino/ Tagalog.
The Backstory
Sa bagong vlog ni Steve, ibinahagi nito ang unti-unting pagpapahayag ng kakayahang magsalita gamit ang Wikang Filipino ng hindi nababarok.
Laking gulat ng kanyang mga kasamahan ng marinig itong magsalita ng diretso gamit ang nasabing lenggwahe dahilan upang biruin ito ni Cong TV.
“Uy, nagtagalog sa vlog ko oh! Huli ka! I will break your character in my vlog” biro ng Team Payaman headmaster.
“We will expose you! You’re speaking Tagalog” dagdag naman ni Aaron Macacua, a.k.a Burong.
Nagbahagi naman si Cong TV ng kanyang first impression kay Steve.
“[Noong] first time kong makita si Steve, pakiramdam ko may lahi s’ya. Sabi n’ya, Sri Lankan. Tinanong ko agad s’ya, paano kayo mag-usap sa bahay? Sri Lankan? English? Tagalog? Bigla siya nagsabi sa akin na English dahil sa father nila,” kwento ni Cong.
Dahil dito, pinayuhan ni Cong si Steve na panindigan ang pagsasalita gamit ang Wikang Ingles upang mapanatili ang kanyang kakaibang karakter sa mga vlogs ng Team Payaman.
Pagbabahagi naman ni Steve, nakuha nya ang “catch phrase” na “Hello, my friend!” sa kanyang ama na isa ring Sri Lankan.
Dito na rin isiniwalat ni Steve ang kanyang kakayahan sa pagsasalita at pakikipag usap gamit ang Wikang Filipino/ Tagalog.
“We lived in the Middle East and Sri Lanka for half of my life [and it influenced] how I speak with this accent in English. When we’re at home, because syempre pag nag-tagalog ako, si Daddy, hindi n’ya maiintindihan!” ani Steve.
Kanya-kanyang sentimento naman ang mga miyembro ng Team Payaman ukol pagiging bilingual ni Steve.
“Oo, off cam akala ko hindi ka rin nagtatagalog ‘eh” ani Dudut.
Ayon naman kay Boss Keng, “Talagang pure English talaga s’ya. Pero [una palang] feeling ko nagta-tagalog si Steve!”
“Eh pinaninindigan n’ya yung English spokening n’ya, pero kung titignan n’yo naman si Steve, hindi naman s’ya mukhang ano eh. Pinoy na pinoy yung hitsura!” saad naman ni Junnie Boy.
Tagalog Reveal
Matapos marinig ang hatol ng kanyang kapwa Team Payaman members, lumabas naman si Steve upang makisalamuha sa kanyang mga manonood.
Sinurpresa nya ang mga ito at ipinamalas ang kanyang tatas sa pagsasalita gamit ang Wikang Filipino.
“Everybody who came here, you guys have been like part of my whole journey and I’m really thankful na everybody, like cherished the character and all, and gusto ko kayo yung unang maka-alam na marunong akong mag-Tagalog,” anunsyo ni Steve.
Sinalubong naman si Steve ng tuwa at halakhak mula sa kanyang mga taga-suporta.
“Di ko inexpect, pero di bagay sa’yo yung Tagalog!” biro ng isa sa kanyang mga fans.
Watch the full vlog below: