Isa na namang Team Payaman power couple ang nagpapatunay sa katagang “kung mahal mo, pakasalan mo!” Yes na yes, dahil officially engaged na sina Aaron Macacua, a.k.a Burong at Aki Angulo!
Naganap ang nakakaantig na wedding proposal ni Burong sa nagdaang Christmas Party ng Team Payaman sa Payamansion.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Burong ang ilan sa mga kaganapan bago tuluyang surpresahin ang kanyang longtime girlfriend na si Aki at alukin ito ng kasal.
Ayon sa vlogger, matagal na nyang pinag-isipan ang desisyon para mag propose kay Aki ngunit hindi lang malaman kung kailan ang tamang timing para dito.
Kaya naman naisip nyang isabay ito sa Christmas Party ng Team Payaman para mas maging memorable ang lahat
“Ngayon ko na gagawin yung matagal ko ng gustong gawin, sobrang tagal na neto, mga ilang buwan ko ng pinagpa-planuhan kaso hindi ko talaga alam kung papano,” kwento ni Burong.
“Talagang oras yung magsasabi kung kailan, kaya ngayong Christmas party ready na akong mag propose kay Aki,” dagdag pa nito.
Sa tulong ng buong Team Payaman, naisakatuparan ang simple pero nakaantig ng puso na wedding proposal ni Burong kay Aki Angulo.
Inaya ni Burong na sumali sa larong “Pinoy Henyo” ang kanyang nobya, pero lingid sa kaalaman ng dalaga ay kasabwat pala ang buong tropa sa kanyang plano.
Sa loob ng ilang segundo, sinubukan ni Aki na hulaan ang salitang “Singsing” habang hawak na ni Burong ang engagement ring na iaalay sa kanya.
Bagamat bigong mahulaan ang sagot, laking gulat naman ng dalaga ng tanggalin ang piring sa kanyang mga mata at makitang nakaluhod sa harap nya si Burong hawak ang isang maliit na pulang kahon.
“Kahit hindi natin nahulaan yung sagot sa Pinoy Henyo, pero ako sigurado akong ikaw yung sagot sa buhay ko. Kaya love, will you marry me?” ani Burong na umani ng hiyawan mula sa buong Team Payaman.
Wala namang paglagyan ang saya ni Aki at masayang sumagot ng “oo” sa alok na kasal ni Burong.
Watch the full vlog below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.