VIYLine Employees Gear Up for 2023 With Successful Team Building Activities

Matapos ang pagbabalot ng libo-libong orders noong nagdaang 12.12 Grand Decemberfic Freeviys Sale, sumabak naman sa pang malakasang Team Building ang buong pwersa ng VIYLine Group of Companies (VGC).

Sa temang “One Team, One Dream, One VIYLine Soaring High in 2023,” layunin nitong mapagtibay ang kooperasyon, pagkakaisa, at relasyon ng bawat empleyado ng VIYLine. Hangad din ng team building na ito na mahasa ang iba’t-ibang katangian na kailangan sa pang araw-araw na trabaho gaya ng pakikinig, pagsunod sa panuntunan, prinsipyo, sipag at kakayahang mamuno. 

Sa pangunguna ni VIYLine CEO Viy Cortez, naisakatuparan ang masayang team building noong Dec. 28 sa Casa Carlita Resort sa Lipa City, Batangas. 

Challenge Accepted

Para sa buong araw ng aktibidad, nahati sa apat na grupo ang VIYLine staff upang magkasundo at mas makilala pa ang isa’t-isa. 

Sumabak sila sa iba’t-ibang hamon na sumubok sa kanilang pisikal at mental na kakayahan bilang indibidwal at bilang isang grupo. 

Kabilang sa mga hamon na pinaglabanan ng bawat grupo ay ang Amazing Race Challenge, Tug of War, at Pass the Picture. 

Para sa Amazing Race, sinubok ang presence of mind at focus ng bawat miyembro sa pag kumpleto ng iba’t-ibang challenges na may kinalaman sa pang araw-araw na operasyon sa VIYLine office. Nasubok din dito ang leadership skills ng bawat namumuno at kung paano sila makakabuo ng estratehiya para manguna sa Amazing Race. 

Para sa Tug of War, pisikal na lakas at koordinasyon naman ang naging susi sa tagumpay ng bawat grupo. At syempre, hindi rin nawala ang cheer na syang nagpataas ng moral ng bawat manlalaro. 

Samantala, sinubok naman ang communication skills ng bawat isa sa Pass the Picture Challenge kung saan napatunayan ng bawat grupo na kadalasan ang epektibong komunikasyon ay nagsisimula sa katahimikan at pakikinig sa namumuno. 

One VIYLine

Sa huli, tinanghal na kampeon ang Yellow Team matapos mapagtagumpayan ang iba’t-ibang hamon.

Ayon sa kanilang Team Leader na si Richelda Barrot, tiwala, komunikasyon, at pagkakaisa ang naging susi sa kanilang tagumpay.

Matapos ang buong araw ng aktibidad, umuwi ang VIYLine boys and girls baon ang iba’t-ibang aral na tiyak na madadala nila kani-kanilang trabaho at tagumpay. 

Nagpasalamat naman si VGC General Manager Rolando Cortez sa lahat ng nakiisa sa nasabing team building at umaasang baunin ng bawat isa ang mga natutunan nila para sa isang matagumpay ng VIYLine sa 2023!

Likes:
0 0
Views:
91
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *