Buyers Flex ‘Freeviys’ and Prizes from VIYLine’s 12.12 Grand Decemberific Freeviys Sale

Talaga namang Merry ang Christmas ng mga suki ng VIYLine na nauna nang natanggap ang kanilang mga orders mula sa nagdaang 12.12 Grand Decemberific Freeviys Sale.

Kanya-kanyang flex sa social media ang netizens ng kanilang mga orders at natanggap na pamasko mula kay Viy Cortez. 

12.12 Orders out for delivery

Matapos makatanggap ng higit 250,000 orders ang VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare noong Dec. 12, doble kayod ngayon ang buong pwersa ng VIYLine Group of Companies para maipadala ang orders ng kanilang mga suki. 

Ilang araw lang ang nakalipas ay kanya-kanya nang flex sa social media ang ilang buyers na unang nakatanggap ng kanilang orders. Kabilang sa mga ito ay ang masu-swerteng nanalo ng cash vouchers at iba pang papremyo ni Viy Cortez. 

Masayang ibinahagi ng ilang TikTok users ang kanilang mga “unboxing videos” sa biniling 999 VIYLine Skincare package na may kasamang 1 FREE BIG DAKOT!

Ang nasabing package ay naglalaman ng sampung VIYLine Skincare products at iba pang freebies mula sa 1 FREE BIG DAKOT na sina Viy Cortez at Cong TV mismo ang nag-scoop sa kanilang TikTok live selling session noong 12.12. 

Happy Customers!

Walang paglagyan ang kasiyahan ng netizens sa kasamang “freeviys” sa kanilang mga orders at napatunayang hindi scam ang pangako ni Viviys na magkaroon ng free items ang lahat ng pumasok na orders noong Dec. 12. 

Narito ang ilan sa kanilang mga testimonya: 

Jun Maicah Concepcion Tsukayama: “Kadarating lang ng isang parcel ko and legit may 1 freebie talaga. Thank you Maam Viy Cortez, more blessings po sa inyo, PAAWER! Waiting pa po ako sa 2 parcels ko, so excited yiieee!”

Rashelle May Carbonel: “Yeheyy! Kakareceive ko lang po ng aken. 12.12 ko po inorder. Cong (shade) lang order ko pero may free item na Mavi (shade). Thank you Ms. Viy Cortez!”

Kestrel Pangilinan Ebuenga: “Isa lang order ko, dalawa ang dumating! Thank you Viy Cortez, ang gaganda!”

Diana L. Jimenez: “1st time buyer mam Viy. Kakatanggap ko lang kahapon. Sa halagang 69 pesos dalawa na sila at ang babango pa, sulit na sulit! Oorder ako ulit nito! Thank you Maam Viy Cortez, Thank you Viyline Cosmetics! More sales po and God bless!”

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.