Boss Keng’s Epic Payamansion Challenges is Back with ‘Ultimate Slapping Game’

Matapos ang kanyang breathtaking Batanes escapade kasama ang asawang si Pat Velasquez-Gaspar, muling hinamon ni Boss Keng ang Team Payaman para sa isang epic Payamansion challenge.

Inanyayahan ng 30-anyos na vlogger ang ilang miyembro ng Team Payaman Wild Dogs para sa isang palarong may tumataginting na papremyo.

Slap Me Beybe

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Boss Keng ang isa sa mga buwis buhay challenge na sumubok sa katatagan ng ilang Team Payaman members.

Pero syempre, hindi exciting ang laro kung walang papremyo, kaya naman bago pa man magsimula ay may pangako na agad si Boss Keng.

“Sige, para ganahan kayo. Ang mananalo, mayroong P10,000!” ani Boss Keng.

Ang nasabing anunsyo ay ikinagalak ng Team Payaman Wild Dogs kung kaya naman game na game agad itong nakilahok.

Ang mekaniks ng Slap Me Beybe challenge ay simple lang, gamit ang kanilang big hand costume, patuloy na sasampalin ng mga kalaro ang kanilang kalaban at ang unang mahulog sa swimming pool ay tatanghaling talo sa nasabing round. Ang kalahok na matitira sa laro ay tatanghaling panalo at mag-uuwi ng P10,000.

Let The Games Begin

Unang sumabak sa palaro si Carlos Magnata, a.k.a Bok at Dexty. Hindi nagtagal ay unang nahulog si Bok. Agad naman itong sinundan ng tambalang Beigh at Chef Enn, at unang nahulog si Beigh sa lakas ng pagkakasampal ng kalaban nito.

Sunod naman sumabak sina Yow at Kuya Lim. Sa parteng ito, talaga namang nagkakainitan na ang dalawa sapagkat walang nagpapatalo sa kanilang tambalan. Sa huli, unang bumitaw si Yow dahilan upang manalo si Kuya Lim.

Sumalang din sa laban si Carding at Steve kung saan unang nahulog si Steve na siyang ikinahalakhak ng mga manonood.

Agad na tinapos nina Mike, personal driver nina Cong TV at Viy Cortez, at best friend nitong si Jocen ang slapping challenge dahil agad na nahulog si Mike matapos itong masampal.

Matapos ang laban sa pagitan ng magkaibigan, sumalang na agad sina Kuya Inday at Burong sa nasabing palaro. Nagsilbing katatawanan ang sagupaan sa pagitan ng dalawa dahil sa kwelang hatid nina Burong at Kuya Inday.

Sa huli, itinanghal na panalo si Burong matapos mahulog sa pool ni Kuya Inday.

At syempre, hindi nagpahuli sa palaro ang Team Payaman Headmaster na si Cong TV at Boss Keng para sa nasabing challenge.

Agad namang nahulog si Cong TV matapos makuha ni Boss Keng ang mga pang-depensa nito. 

Matapos ang unang round ay sumabak muli sa isa pang round ang mga kalahok upang malaman kung sino ang mga matitibay na matitira.

Para sa final round, nagharap si Chef at Boss Keng upang malaman kung sino ang mag-uuwi ng tumatagingting na P10,000.

At syempre, hindi nagpatalo si Boss Keng kay Chef. Ngunit, kanyang inaya si Adam Navea ng Ahavah Ministry para sa pinakahuling round at agad na nag-iba ang ihip ng hangin kung kaya’t si Adam ang hinirang na champion sa Ultimate Slapping Challenge.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

3 days ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

3 days ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

4 days ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

4 days ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

4 days ago

Nourish Your Little Ones With ‘Luxe Kids’ by Luxe Beauty and Wellness

Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…

5 days ago

This website uses cookies.