Viy Cortez Breaks Record After VIYLine’s 12.12 Grand Decemberific Freeviys Sale!

Matapos ang bente-kwatro oras na TikTok live selling at bagsak presyo sa Shopee at Lazada, isang matagumpay na 12.12 Sale  ang ipinagdiwang ni Viy Cortez. 

Sa kanyang mga Facebook posts, labis-labis ang pasasalamat ng 26-anyos na vlogger at entrepreneur sa mga sumuporta sa 12.12 Grand Decemberific Freeviys Sale. 

Bukod kasi sa pagbaha ng orders sa VIYLine Cosmetics at TP Kids, nakapagtala rin si Viviys ng ilang “record breaking wins” noong Dec. 12, 2022. 

250k orders!

Libo-libong fans ng Team Payaman ang nag-abang sa mga pasabog ng VIYLine para sa 12.12 Sale. Pagpatak pa lang ng alas-dose ng madaling ay binaha na ng orders ang Shopee, Lazada, at TikTok shop ng VIYLine kahit hindi pa nagsisimula ang live selling session ni Viy Cortez.

Sa loob lang din ng ilang minuto ay na-sold out na ang mga produkto ng VIYLine Cosmetics. Matapos ang araw ay masayang ibinahagi ni Viviys na umabot sa 250,000 ang orders na pumasok sa lahat ng online shopping platforms ng VIYLine. 

“Maraming maraming salamat mga viviy. Sana masaya kayo sa aming regalo. Salamat sa VIYLINE FAMILY! Salamat mahal sa suporta mo simula umpisa! Lord salamat!” ani Viy Cortez sa isang Facebook post

“250k PARCEL in 1 Day! 2M ITEMS SOLD! Nasa iyo ang papuri Panginoon salamat! Congrats po sa lahat ng nanalo,” dagdag pa nito.

Top TikTok Creator and TikTok Shop

But wait, there’s more! Dahil sa pagbuhos ng suporta at orders sa nagdaang 12.12 Grand Decemberific Freeeviys Sale ng VIYLine, may pagkakataong halos hindi na magamit ang TikTok shop dahil sa dagsa ng  pumasok na orders.

“Kaya po mag ‘something went wrong’ kasi super daming order (na) pumapasok,” ani ng isang TikTok representative na ibinahagi ni Viviys ang screenshot sa isang Facebook post.

“Grabe po ang traffic ng tao sa live nyo. Nasisira na nila si TikTok!” dagdag pa nito.  

Bukod dito, noong nagdaang Dec. 12 ay hinirang din si Viy Cortez bilang Top 1 TikTok Creator  at Top 1 TikTok Shop sa bansa! Paawer!

Samantala, sinagot din ni Viviys ang mga tanong ng netizens kung papaano nila idi-dispose ang napakaraming styro beads na ginamit sa “scoop pool” ng nasabing live selling. 

Ayon kay Viy, hindi nila ito susunugin o itatapon lang ng basta-basta. Bagkus magpapagawa sila ng bean bags at doon ilalagay ang mga styro beads sa tulong ng The Furniture Connoisseur

Kath Regio

Recent Posts

5 Services Your Vehicles Need From Wheelz On The South

Now that January is nearing its end, this is the perfect time to check on…

14 hours ago

Boss Keng Surprises Wife With A Brand New Vlogging Camera

Bago matapos ang taon, lumipad pa-Japan ang pamilya nina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar upang…

21 hours ago

Here’s How You Can Achieve Gordon Ramsay-Approved Halo-Halo ala Ninong Ry

Kamakailan lang ay personal na ginawan ng Team Payaman cook na si Ninong Ry ang…

24 hours ago

Team Cortez-Velasquez’s Priceless Reaction Upon Seeing Baby Tokyo in 4D

Ilang buwan na lang ay madadagdagan na ang munting pamilya ng Team Cortez-Velasquez sa pagdating…

3 days ago

Clouie Dims Shares TP Wildcats’ TP Fair 2024 Performance Preparations

Hindi lang sa tawanan at kulitan magaling ang Team Payaman Wild Cats, dahil sa sayawan,…

3 days ago

5 Reasons Why You Shouldn’t Miss Visiting the VIYLine MSME Caravan

Looking for a fun shopping experience that supports local businesses? The VIYLine MSME Caravan is…

4 days ago

This website uses cookies.