Vienna lligan Shares Major YouTube Vlogging Milestone

Muling nagbabalik sa YouTube world ang Team Payaman next-gen content creator na si Vienna Iligan upang ibahagi ang ilan sa mga kaganapan na pinagka-abalahan nya.

Bukod sa kanyang pag-aaral, ano pa kaya ang mga kaabang-abang na kaganapan sa buhay ng nakababatang kapatid ni Vien Iligan-Velasquez?

Life lately

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Vienna Iligan ang mga kaganapan sa kanyang buhay bilang isang student YouTube vlogger.

Unang ipinakita ni Veinna ang isang envelope mula sa Google AdSense na nangangahulugan lang na maari na “monetized” na ang kanyang mga YouTube videos.

Ayon sa dalaga, dalawang buwan din niya itong hinintay kung kaya’t excited ito ng kanyang buksan ang nasabing envelope.

“Finally, finally, finally!” ani Vienna.

Ibinahagi rin ng dalaga ang ilan sa mga kaganapan sa kanyang nagdaang kaarawan. Ipinagdiwang nito ang kaarawan kasama ang ilang matatalik na mga kaibigan at pamilya.

New house preparations

Sa nasabing vlog, ipinakita rin ni Vienna Iligan ang ginagawang paghahanda sa kanilang paglipat ng kanilang pamilya bagong bahay na ipinapagawa ng kanyang Ate Vien. 

Unti-unti nang nagpupundar ng mga gamit ang magkakapatid na Iligan para sa bagong bahay. Isa na rito ang study table na binili ni Ate Vien para kay Vienna.

“‘Yan yung binili namin nila ate sa IKEA. Itatry ko ngayon kung ma-aassemble ko,” kwento ni Vienna.

Matapos ang ilang oras ay matagumpay naayos ni Viena  ng kanyang dream study table.

“‘Di pa ito yung final room kasi yung bahay namin ay under renovation [pa]. So, yung tinitirhan namin [ngayon] is rent lang for 6 month,” kwento ni Vienna.

Dagdag pa nito: “Sobrang saya na may sarili akong desk at room kasi, wala akong room before sa lumang bahay namin. Wala talagang sariling space kaya thankful ako kay Lord, kila ate na naisipan talaga nilang ipa-renovate yung bahay.” 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
957
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *