Carding Magsino Challenges Team Payaman in Impromptu Quiz Bee

Isang kakaibang vlog ang hatid sa atin ngayon ng resident physical therapist at walking encyclopedia ng Team Payaman na si Carding Magsino. 

Sa kanyang bagong vlog, hinamon ni Carding ang ilang Team Payaman member sa isang “Quiz Beeglaan!

“Ngayong araw ay susubukan natin ang liksi, talino, at kanilang stock knowledge,” ani Carding.

Ang tanong, sino kaya ang nagwagi sa hamon ng patalinuhan ni “Pisan Carding?”

Quiz Beeglaan

“Welcome sa Quiz Beeglaan, kung saan magkakapera ka na, magugulat ka pa!” ani Carding bago simulan ang umaatikabong tanungan. 

Ang panuto ng Quiz Beeglaan ay simple lang, kapag nasagot ang unang tanong magkakaroon sila ng bente pesos, singkwenta pesos naman sa ikalawang tanong, at isang daang piso sa ikatlong tanong. 

Nagbigay din si Carding ng ilang bonus questions kung saan ang makakasagot at magkakaroon ng tumataginting na limang daang piso! Pero kailangan ibalik lahat ng premyo sa oras na hindi nasagot ang isang katanungan. 

Kabilang sa mga sumabak sa biglaang pa-quiz bee ni Carding ay sina Jaime de Guzman a.k.a Dudut Lang, Aaron Macacua a.k.a Burong, Steve Wijayawickrama, Kevin Hufana, Chef Kenneth Silva, Brylle Galamay a.k.a Bods, at Boss Keng

Sumabak sila sa iba’t-ibang trivia question na may kinalaman sa Science, Sports, Social Studies, General Knowledge, at iba pa. Ilan sa mga tanong ay: 

  • Ilan ang kulay sa rainbow?
  • What is the powerhouse of the cell?
  • Magbigay ng apat na breed ng aso
  • Ano ang ibig sabihin ng PEMDAS?
  • Ano ang mga naging number ni Kobe Bryant sa jersey nya?
  • Ilan ang puso ng octopus?
  • Ano ang ibig sabihin ng BJMP?

Game Master Winner

Huling sumabak sa Quiz Beeglaan si Christian Ezekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng. Pero bago pa man sumagot sa mga tanong ni Carding, naniguro muna ito sa maaaring mapanalunan. 

“‘Di mo ko maloloko, manggagancho din ako eh!” biro ni Boss Keng. 

Nasagot ng mister ni Pat Velasquez-Gaspar ang mga tanong na “Ilan ang sides ng Octagon?” at “Ano ang ibig sabihin ng ATM?”

Pero para sa final question, hinamon ni Boss Keng na bigyan siya ni Carding ng P600 imbes na limang daan lang. 

Ang tanong: “Magbigay ng hayop na may dalawang letra sa pangalan,” na syang agad nasagot ni Boss Keng. 

“It’s over! The game master gets the victory,” ani Steve sa pagka panalo ni Boss Keng!

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

14 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.