Netizens Applaud Team Payaman’s Burong With All-New Gaming Contents

Kamakailan lang ay kinagiliwan ng solid Team Payaman fans ang makapanindig balahibong PUBG match ng TP Wild Dogs.

Ngayon hatid ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang isa na namang gaming content na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood na mahilig sa thrilling online games.

Killer vs. Survivor

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Burong ang bagong online game na sinubukan nito kasama ang ilang miyembro ng Team Payaman. 

Kabilang sa mga kumasa sa hamon ng paglalaro ng Dead by Daylight ay sina Jaime de Guzman a.k.a Dudut Lang, Carding Magsino, Steve Wijayawickrama, at Bryle Galamay a.k.a Bods.

Ang Dead by Daylight ay isang horror game kung saan mayroong isang killer at apat na survivors. Ang mga survivors ay inaasahang makakatakas mula sa mapa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga generators na magbibigay ng ilaw tungo palabas ng mapa.

Upang mas maging exciting ang laro, nangako si Burong ng isang papremyo kung sakaling matalo siya rito.

“‘Pag ako natalo n’yo dito, pupunta tayo [ng] 7-Eleven,” pagmamalaki nito.

Sagot naman ni Bods: “Agad agad?”

“You know that I love 7-Eleven!” biro naman ni Carding.

Hindi pa man nagtatagal ang laro ay kaliwa’t-kanan na ang gulatan at sigawan dala ng mga makapigil-hiningang karakter at kaganapan sa nasabing palaro.

Sa unang round, napagtagumpayan ni Burong ang kagimbal-gimbal na laro laban sa kanyang mga kalaban.

“Very basic ang nangyari!” pagmamayabang ni Burong.

Matapos ang ilang rounds, itinanghal na namang panalo si Burong. Sa kabila nito ay nilibre pa rin ni Burong ang grupo sa 7-Eleven upang mag midnight snack.

Fresh Content

Samantala, inulan naman ng mga positibong komento ang bagong vlog ni Burong dahil sa kakaibang atake nito.

vinmatu: “Parang breath of fresh air ‘tong ganitong content sa TP!”

Zeegs: “Looking forward sa mga susunod na videos mong ganito, Burong! Pawer!”

Viy Bhie Mo: “Ang galing ng content mo. Naiiba talaga s’ya sa content ng ibang TP. More more videos like this please at sana madalas rin ang upload!”

Sethorne: “Nagustuhan ko mga new content mo, Burong! Keep it up! Hahaha. Try n’yo din laruin yung ‘Phasmophobia’ sure ako mag-eenjoy kayo.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

16 hours ago

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

4 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

6 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

6 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

6 days ago

This website uses cookies.