Cong TV, Viy Cortez, and Kidlat Fly to Singapore for the First Time

Lumipad patungong Singapore ang pamilya Velasquez upang dumalo ng isang convention para sa negosyo ng VIYLine Group of Companies CEO na si Viy Cortez.

Dala ng kanyang mommy duties, sinama na ng 26-anyos first-time mom ang kanyang pamilya upang maka pasyal na rin. Narito ang ilan sa mga kaganapan bago at matapos ang unang flight ni Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Kidlat’s Passport Application

Sa bagong vlog ni Viviys, ibinahagi nito ang kauna-unahang passport application ng unico hijo nila ni Cong TV. 

Hands on mom and dad ang peg nina Cong TV at Viy Cortez sa pagkuha ng sariling passport ng anak nitong si Baby Kidlat.

“So mga Viviys, kinuhanan na pala namin ‘to [Kidlat] ng passport,” pagbabahagi ni Viy.

Ibinahagi rin ng first-time mom ang kanilang karanasan sa pagkuha ng unang passport photo ng kanyang panganay. 

“Ayan yung litrato nung kinukuhanan siya [ng picture]. Ayaw niya umupo, gusto niya nakahiga!” kwento pa ni Viviys. 

Singapore, Baby!

Sa mga Instagram stories ni Mommy Viy, sunod-sunod ang kanyang pagbabahagi ng unang flight experience kasama si Baby Kidlat.

Laking tuwa ni Viviys nang hindi ito nagpakita ng anumang senyales ng pangungulit sa loob ng halos tatlong oras na flight.

“Ang bait ng bebi ko sa airplane!” ani Viy.

Sa kanya namang TikTok account, ibinahagi ng vlogger at entrepreneur ang kanyang mga agenda sa nasabing Singapore Trip.

“Kasi mayroon ditong isang convention ng mga skincare at cosmetic products. Nalaman ko ‘to kay Miss Nina ng Colourette. Tinake ko na yung opportunity at pumunta na ako. Sinama ko na sila Cong kasi alam n’yo naman, nagpapa-dede ang lola n’yo,” paliwanag ni Viviys.

Dagdag pa nito: “So, parang pasyal na rin kasi ngayon lang kami ulit nakapasyal after ko manganak at nandiyan na si Kidlat.”

Sa nasabi ring TikTok reel ay inimbitahan ni Viviys na subaybayan ng lahat ang kanilang first international trip with Kidlat vlog sa mga susunod na mga araw.

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.