Viy Cortez Grateful for the Success of VIYLine’s 11.11 Super Mega Sale

Walang paglagyan ang pasasalamat ni YouTube content creator Viy Cortez sa kanyang mga taga-suporta matapos ang matagumpay na 11.11 Super Mega Sale ng VIYLine. 

Sa kanyang bagong vlog, sinabi ng 26-anyos na VIYLine CEO na hindi na nya alam kung paano pasasalamatan ang mga tumatangkilik ng kanilang produkto sa kamakailan lang. 

11.11 Success

“Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nag-order noong 11.11. Record breaking, yon ang pinakamalaking benta ng VIYLine Cosmetics!” ani Viy Cortez

Dagdag pa nito, higit 50,000 na produkto ang nasimot noong 11.11 na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos balutin ng VIYLine girls dahil sa patuloy na pag dagsa ng orders. 

Kwento pa ni Viy, sa loob lang ng dalawang oras ay naubos na ang stocks ng bagong labas na produkto ng VIYLine Cosmetics na Glimmer BB Loose Powder

Paliwanag nito, pumatok ang nasabing produkto dahil sa ginawa nilang video tampok si Cong TV kung saan ipinapakita na water-proof ang naturang loose powder. 

Pero patikim pa lang yan, dahil ayon kay Viviys mas maraming pasabog sa darating na 12.12 sale. Kabilang na dito ang mga bigating freebies na maari nyong mapanalunan gaya ng iPhone 14 Pro Max, motor, Php 10,000 at P20,000 cash!

Fiancée Q & A

Sa kabila ng tagumpay sa kanyang negosyo ay hindi pa rin nakalimutan ni Viy Cortez na magbigay ng kaunting update tungkol sa kanilang relasyon ng longtime boyfriend at ngayon ay fiancée na si Cong TV

Dahil apat na buwan ang unico hijo nilang si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat, tinalakay ng dalawa ang postpartum depression na kadalasang nararanasan ng mga ina pagkasilang sa kanilang mga sanggol. 

Ayon kay Viviys, bagamat may mga panahon na bigla syang naiiyak noong bagong panganak kay Kidlat, ito ay dahil sa kawalan ng maayos na routine at hindi sapat na supply ng breastmilk. 

Pero ngayon ay swabe na aniya ang kanyang daily routine sa pag-aalaga kay Baby Kidlat sa tulong na rin ng kanyang mga katuwang gaya ni Daddy Cong, Ate Acar at Ate Lyn. 

“Yung support system ng mga nakapaligid sakin is okay na okay,” ani Viy. 

“Kaya kayo mga Viviys, kapag meron kayong kamag anak dyan na kakapanganak lang, ang pinaka magandang gawin nyo is lagi nyo syang sasamahan, kahit hindi kamustahin, kahit ka-kwentuhan lang ba, ganyan,” dagdag pa nito.

Samantala, nag throwback din ang mga magkasintahan sa kanilang favorite moments bilang mag nobyo noong wala pa si Baby Kidlat. 

Ayon kay Cong, paborito niya ang kanilang Amanpulo at Japan trip kung saan wala silang ginawa kundi magkulitan. 

Pero para kay Viviys, the simple moments are simply the best, dahil paborito daw nito ang pag-angkas sa motor ni Cong noon dahil naamoy nya ang batok nito.

“Yung amo mo as ikaw, hanggang ngayon ganon pa rin naman!” biro pa ni Viy. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

TP Kid Active Era: Kidlat Sharpens His Skills in Soccer Practice

Cuteness overload ang hatid ni Kidlat sa kanyang Spidey-soccer training na ibinahagi ng Team Payaman…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Snippets of Kidlat’s and Tokyo’s Celebration

Isang buwan matapos ang kaarawan ng panganay na anak nina Viy Cortez-Velasquez at Cong TV,…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Serves Classy Girl Boss Energy in Her Recent Fit Checks

Viy Cortez-Velasquez, Team Payaman’s very own "girl boss," is once again showing off fire style…

23 hours ago

Team Payaman Kids’ Mavi and Viela Spend Quality Time with Their Parents

Sa simpleng sorpresa at sweet bonding moments, napasaya ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez…

1 day ago

Dudut Lang Prepares for Doubles Tournament in Pickleball Session with Team Payaman

Matapos ang kanilang basketball rematch sa Star Magic All Star Games, ibang sport naman ang…

2 days ago

Elevate your Home with Luxurious Fragrances from Perfect Scent by Viyline’s Room and Linen Spray

Perfect Scent by Viyline aimed to redefine the industry of home essentials when it introduced…

3 days ago

This website uses cookies.