Viy Cortez Reveals New VIYLine Cosmetics Products to Drop This 11.11

Hindi natatapos ang good news at pasabog ni VIYLine Group of Companies CEO Viy Cortez! Ngayon hatid naman ng 26-anyos na vlogger ang mga bagong produkto ng VIYLine Cosmetics na tiyak kukumpleto sa Pasko nyo!

Sa darating na 11.11 sale, sabay-sabay nating kilalanin ang mga bagong makeup items na talaga namang papatok at mamahalin ng masa.

Pretty in Pink Lady Boss

Dahil naka out-of-town ang gayak ng first-time mom na si Viy Cortez, hindi nito pinalampas ang pagkakataon na umawra gamit ang mga bagong produkto ng VIYLine Cosmetics.

Pretty in pink ang peg ni Viviys sa kanyang bagong Facebook post, kung saan gamit nito ang ilan sa mga bagong produkto na ilalabas ng kanyang sariling makeup brand sa darating na Biyernes, Nov. 11. 

“Using VIYLine Cosmetics’ new products, available on 11.11! Aqua Cream mini ‘Selene’ on my cheeks, Aqua Creme mini ‘Selene’ and ‘Hebe’ on my lips, BB Loose Powder ‘Ivory’ and ‘Nude,’ and Wild 2-in-1 eyeshadow and highlighter ‘Deserted,’” pagbabahagi ng kikay momma.

Dagdag pa nito: “Lahat ng ilalabas ko guys, PHP155 pababa ang price. Kaya paunahan nalang sa 11.11!” 

At syempre, umani ito ng mga papuri mula sa kanyang mga fans na tiyak na susuportahan ang  grand launching ng mga nasabing bagong produkto.

Cza Penarendondo: “Pag-iipunan kong makabili ng mga products mo Ms. Viy. Pero ngayon, kayod-kayod muna ako madami pa need unahin. Basta ang ganda at fresh [naman] niyan [ni Viy].”

Bukod sa kanyang pang malakasan na selfie, ibinahagi rin ni Viy Cortez ang iba pang katangian ng mga bagong produkto ng VIYLine Cosmetics sa isang Facebook reel.

“Ito yung Selene na shade. At Diyos ko, nagulat ako kasi mayroon siyang kaparehas na kulay. Itong Dior [blush in the shade] Backstage na inilagay ko naman dito [cheeks]. Ang bili ko dito guys PHP3,000 [Dior] pero ito [Aqua Cream Mini] guys, mas affordable PHP139 lang ‘to.”

Sa nasabing video ay ibinahagi rin ni Viviys kung gaano kaganda ang Aqua Cream Mini, BB Loose Powder, at 2-in-1 Eyeshadow and Highlighter makeup items. 

11.11 Pasabog

Kagaya ni Viviys, handang-handa na rin ang lahat para sa pasabog ng VIYLine Cosmetics sa darating na 11.11 Sale!

Unti-unti nang inilalabas ang mga produktong dapat abangan ng mga solid Team Viviys ngayong Nov. 11 at ilan nga rito ang maliit na bersyon ng paborito ng bayan na 3-in-1 Aqua Cream, tampok ang hindi lang isa ngunit sampung bagong shades. 

Abangan ang iba pang mga pasabog ng VIYLine Cosmetics kagaya ng BB Loose Powder at 2-in-1 eyeshadow at highlighter.

Samahan si Viviys sa darating na Biyernes Nov. 11, eksaktong alas-12 ng madaling araw at sabay-sabay nating abangan at subukan ang bagong mga produktong papatok sa mga kikay at kikay-at-heart.

Manatiling nakasubaybay sa official Facebook page ng VIYLine Cosmetics para sa iba pang mga exciting announcements. Huwag ring kalimutan na i-follow ang official Shopee, Lazada, at TikTok shop ng VIYLine Cosmetics.

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

5 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

6 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

1 week ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

1 week ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 week ago

This website uses cookies.