VIYDAY: Social Media Influencers Send Well-Wishes to Newly-Engaged Cong TV and Viy Cortez

Kamakailan lang ay niyanig ng YouTube vlogger na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang iba’t-ibang social media dahil sa wakas ay inalok na nito ng kasal ang longtime girlfriend at kapwa vlogger na si Viy Cortez.

Mula Luzon, Visayas at Mindanao, naging matunog at maingay ang ginawang simple ngunit kakaibang proposal ni Cong TV para sa kanyang nobya at soon-to-be Mrs. Velasquez.

Bigtime congratulatory!

Hindi naman nagpaawat ang ilan sa mga kilalang social media influencers na ipaabot ang kanilang mainit na pagbati para sa YouTube power couple.

Sa Facebook post ni Cong TV na may caption na “Kapitbahay no more! I love you viviys!” ay nasipat ang mga komento ng ilan sa mga influencers.

Jai Asuncion: “Congrats kuya at ate!!!!

Eric Eruption Tai: “Huge CONGratz my bro!”

Spotted rin ang Tukomi Brothers sa comment section ng nasabing post.

Hiroshi Tukomi: “Congrats, tol! Finally!!!!”
Lester G Tukomi: “Congrats tol, nakakandado ka na. Patapon mo na susi para wala nang magbukas.”

Nagpost din sa kani-kanilang mga official Facebook accounts ang ilan pa sa mga social media personalities na malapit sa puso nila Cong TV at Viy Cortez.

Louie Nimedez: “Congrats sa inyong dalawa boss Cong and Viy.”

Awi Columna: “Congrats Cong and Viy! Sa wakas!”

China Roces: “TRUE LOVE EXIST AT MAY FOREVER. Congrats mareng viy and pareng cong! inspirasyon ko kayo mula noon hanggang ngaun. Love u both!! love u my inaanak kidlat. This is the beginning of your happily ever after!! Family is love.”

Never-ending good wishes

Humigit na sa bente kwatro oras nang ipost ni Cong TV sa kanyang YouTube channel ang binansagang “Proposal of the Year” ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin na bumubuhos ang mainit na pagbati ng mga netizens, social media influencers maging ng iba’t-ibang news platform.

Sa kasalukuyan ay top 1 trending pa rin ang “VIYDAY” vlog ni Cong TV na mayroon ng higit 4.6 million views! Paawer!

Likes:
0 0
Views:
227
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *