Cong TV Challenges Team Payaman Wild Dogs for Mountain Dew’s #FuelForAdventure

Matapos ang buwis-buhay Bangsak challenge ni Boss Keng, sumabak naman ang Team Payaman Wild Dogs sa panibagong adventure kasama ang Mountain Dew.

Sa pangunguna ni Cong TV, nagkaroon ng “friendly competition” ang kanyang mga kaibigan at kapwa content creators, kung saan ang tatanghalin na panalo ay mag-uuwi ng tumataginting na P500,000! 

Bangis ng Tropa Challenge

Bagamat nasalanta ng Bagyong Paeng ang bansa, hindi natinag si Cong TV, a.k.a Ginoong Halimaw, sa kanyang malupit na palaro para sa Team Payaman Wild Dogs.

Para sa nasabing challenge, hanap ni Ginoong Halimaw ang tunay na may “bangis ng tropa spirit” na mag-uuwi ng limited edition Mountain Dew Bangis ng Tropa Polo Shirt at PHP500,000. 

Sa tulong ng Cong Clothing, nakapili ng team leaders si Cong na siyang magre-representa sa kani-kanilang mga grupo sa pamumuno nina Bok, Carding Magsino, Dudut, Boss Keng, Burong, Mentos, at Junnie Boy.

“So maghahanap lang sila ng bote (ng Mountain Dew) sa loob ng 15 minutes dito sa buong Alitaptap Cafe and Art. Kung sino ang pinaka-konting boteng mahahanap ay siyang hindi makakapasok sa next round.”

Matapos ang makapigil-hiningang round 1 ay nangunguna sa palaro ang grupo ni Burong, na sinundan naman ng grupo nina Carding, Dudut, Boss Keng, Junnie, Mentos, at Bok.

Round 2

Agad na umusad sa pangalawang round ng challenge ang Team Payaman Wild Dogs na kung saan kailangan ibenta ang mga nakalap na bote ng Mountain Dew.

Ang bawat grupo ay binigyan ng kalayaan sa paraan ng pagbebenta. Gaya ng naunang round, ang may pinaka-konting benta ay ang siyang maliligwak sa susunod na round. 

Iba’t-ibang strategy ang ginawa ng TP Boys upang makabenta ng Mountain Dew, kagaya na lamang ng grupo ni Boss Keng na agad nakabenta dahilan upang mas maging determinado pa itong makarami. 

Sa kabilang banda naman, pursigido rin ang grupo ni Junnie Boy na makabenta. Tanong pa ng isang taga-suporta: “Bakit ka nagtitinda ng mountain dew? Naghihirap na ang Team Payaman?” 

Bwelta naman ni Junnie: “Challenge lang ‘to!”

Sa pagtatapos ng round ay nanalo ang grupo nina Boss Keng  na nakalikom ng P2,500, na sinundan ng grupo nina Carding (P2330), Junnie (P1980), Mentos (P1730), at Burong (P1605).

Round 3

Para naman sa ikatlong round, ang pera na nalikom ng mga grupo ay ang gagamitin bilang pamasahe papunta sa susunod na lokasyon, ang Biluso Elementary School.

Ang catch ng ikatlong round ay ipamigay sa mga nararapat na tao ang kanilang mga nalikom na pera sa naunang round.

Bagamat inabot ng malakas na ulan, hindi pa rin tumigil ang TP Wild Dogs sa kanilang misyon na mauwi ang tumataginting na cash prize.

Kanya-kanyang diskarte ang ginawa ng bawat grupo upang makarating agad sa nasabing lokasyon. Sabay-sabay namang dumating ang mga grupo, maliban na lang sa grupo nina Burong.

Para sa huling challenge, tagisan naman ng tatag at swerte sa pagpapatayo ng mga bote ang naging palaro ng game master. Ang grupong may mataas na puntos ang siyang mananalo.

Final Round

Ang mga grupo nina Boss Keng at Junnie ang siyang pinalad na makapaglaro sa final round, dahilan upang magtungo sila sa Team Payaman playhouse kung saan magaganap ang nasabing patimpalak.

“Magkakaroon lang tayo ng half court shootout na may halong tic-tac-toe. At dito na natin malalaman kung sino ang may taglay ng bangis ng tropa!” paliwanag ni Cong TV.

Gaya ng tradisyonal na shootout at pag tic-tac-toe, determinadong nilaro ng grupo nina Boss Keng at Junnie ang huling round.

Matapos ang literal na buwis-buhay na challenge, hinirang na panalo ang grupo nina Junnie Boy na silang nag-uwi ng tumataginting na PHP500,000.

Ang nalikom na papremyo, ayon kay Junnie ay kanilang ibabahagi sa charity upang matulungan ang mga nasalanta ng bagyo.

“Para maipakita natin yung bangis ng tropa, yung 50% [ng premyo] ay ibibigay natin sa mga nasalanta ng bagyo” salaysay nito.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1207
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *