Boss Keng Levels Up ‘Bangsak’ Game with Team Payaman Wild Dogs

Isa na namang buwis buhay na challenge ang hatid sa atin ngayon ng nag-iisang Boss Keng ng Team Payaman!

Kasama ang iba pang miyembro ng TP Wild Dogs, sinugod nila ang Batang Loma, isang kilalang sports venue, upang isagawa ang kakaibang laro na hatid ng resident game master ng Team Payaman.

Bangsak with a twist

Sa kanyang bagong vlog, pinamangha ni Boss Keng ang manonood sa kanyang bagong pakulo kasama ang buong tropa.

But wait, there’s more! Parte ng naisip na challenge ni Boss Keng ay ang pagsuot nila ng costume ala sundalo at ala preso suot ang orange limited edition Team Payaman Day One’s Collection ng Cong Clothing

Bago simulan ang laro, ipinakilala ni Boss Keng ang mga panuto ng nasabing palaro at nahati muna ang grupo sa Team Preso at Team Warden.

“Basically, ang larong ito ay bangsak. May magtatago at may maghahanap. May 15 attempts ang mga warden na pwede nilang gamitin sa loob ng 30 minutes para pituhin ang mga preso. Ang pagpito ay limang beses at bawal gumalaw habang pumipito,” paliwanag ni Boss Keng.

Dagdag pa nito: “Sa loob ng 20 minutes, kailangan magtago ng mga preso at dapat ay hindi sila mahuli. Pag 10 minutes na lang ang natitira, ay dun na pwede saksakin ng mga preso ang mga warden.”

Pero hindi pa rito nagtatapos ang pasabog, dahil ayon kay Boss Keng tumataginting na P100,000 ang premyo na naghihintay sa mananalo sa nasabing challenge. 

Kasama si Cong TV at Team Payaman editors na sina Carlo Santos at Ephraim Abarca, nagsilbing warden ang mga ito ang naghanap ng mahuhuli. 


Literal na teamwork ang nanaig sa Team Payaman Wild Dogs sa pagnanais na mauwi ang makalaglag-matang papremyo ni Boss Keng.

“Pag nakuha natin yung pera, sabay-sabay tayong magpagawa ng ngipin!” pabirong banat ni Mentos.

And the winner Is…

Talaga namang mararamdaman mo  rin ang kaba ng mga manlalaro sa nasabing challenge ni Boss Keng.

Kaliwa’t-kanan at paikot-ikot ang ginawa ng mga warden sa paghahanap sa kanilang mga nakawalang preso.

Sa kabilang banda naman, kanya-kanyang tago ang mga Wild Dogs ngunit kakaiba ang naging ganap ni Junnie Boy at Burong.

“Swerte yung mga tao dito par, may mga ihi natin [laughs]” biro ni Junnie Boy.

Matapos ang taguan, unang nahuli sina Carding, Rhomil, Bok, Kevin at Yow, Burong, na sinundan nina Mentos, Lim, Terio, at Junnie Boy.

Sa huling sampung minuto, naisagawa pa rin ng mga warden na mahuli ang mga natitirang preso, dahilan upang walang mag-uwi ng P100,000 na premyo.

“Higit sa lahat, ligtas ang aking P100,000 cheque,” ani Boss Keng.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1137
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *