Panibagong travel tour ang hatid ng nakababatang kapatid ni Cong TV na si Pat Velasquez-Gaspar.
Byaheng Siquijor ang misis ni Boss Keng kasama ang ilan sa Team Payaman members. Ngunit ang kakaiba sa nasabing byahe ay ang kauna-unahang karanasan ni Mrs. Gaspar sa kanyang paglipad. Ano kaya ito?
Flying Alone
“Bye, I love you! Ingat ka!” Ilan lamang iyan sa mga binilin ng YouTube vlogger na si Christian Ezekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng, sa kanyang misis na si Pat Velasquez-Gaspar bago ito bumiyahe mag-isa.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Pat ang kanyang karanasan sa paglipad papunta sa tinaguriang The Land of Black Magic.
Bukod sa pagso-solo flight, lakas loob ding hinarap ni Pat ang pagsakay ng bangka mula Dumaguete patungo sa kanilang destinasyon.
Matapos ang mahabang paglalakbay, agad naman siyang sinalubong ng kanyang ate Venice Velasquez, at kapwa TP members na sina Kevin Hufana, at Eve Marie Castro.
“Akala ko katapusan ko na! First time kong [umalis] ng hindi kasama si Keng, first time kong mag-isa buong buhay ko. Akala ko pagdating ko dito, chop-chop ako,” biro pa ni Pat.
Siquijor Tour
Matapos ang buwis buhay na Siargao Trip, nagtungo naman ang ilan sa mga miyembro ng Team Payaman sa Siquijor para sa panibagong adventure.
Agad na nagpahinga at tinapatan ng fresh buko juice ni Pat ang kanyang pagod sa byahe na nagmula pa ng Maynila.
Bukod sa makapigil hiningang tanawin, isa sa mga kinagiliwan ng Team Payaman ngayon sa Siquijor ay ang kilalang accomodation na kanilang tinutuluyan.
“Para siyang dome. Tapos sa loob, may mga aircon. Ang ganda!” paglalarawan ng TP Wild Cat.
Matapos ang paglilibot, agad na nagtungo ang grupo sa isang by-the-beach restaurant upang kumain ng agahan.
Sinulit naman ng magbabarkada ang gabi at naisipan mag-relax at i-enjoy ang simoy ng hangin sa Siquijor.
Bukod sa pagkain, hindi pinalampas ng TP Wild Cats na libutin ang nasabing lugar upang makita ang ilan sa mga makasaysayang at magagandang tanawin ng Siquijor.
Sumubok rin ng iba’t-ibang mga aktibidad ang grupo nila Pat kagaya ng foot soaking, pagbisita sa lumang tahanan ng mga prayle, pag-tanaw sa mga makasaysayang imprastraktura, at paglangoy sa iba’t-ibang anyong tubig.
Watch the full vlog below: