Papa Wow Kwento ng Buhay Kutsilyo: Cast, Plot, Release Date and More!

Sa kauna-unahang pagkakataon, ihahatid ng VIYLine Media Group (VMG) ang isang kwentong magbibigay pag-asa at aantig sa puso ng lahat. Mga kapitbahay, malapit na malapit nyo nang mapanood ang “Papa Wow Kwento ng Buhay.” 

Pero bago tuluyang kurutin ng palabas na ito ang ating mga puso, sabay-sabay muna nating alamin ang ilang eksklusibong detalye bago naisakatuparan ang nasabing proyekto. Sino-sino ba ang mga artistang aasahan natin dito? Tungkol saan nga ba ang unang episode na pinamagatang “Kutsilyo?”

The Making of “Papa Wow Kwento ng Buhay: Kutsilyo”

Noon pa man ay pangarap na ng ama ni Viy Cortez na si Mr. Rolando Cortez, a.k.a Papa Wow na magkaroon ng programang magbibigay pag-asa at maglalapit sa publiko sa Panginoon. 

Sa tulong ng direktor na si Noemi Mopia ay naisakatuparan ang naturang proyekto. Unang kinapanayam ni Direk Noemi si Jelyn Hermoso, ang babaeng naglakas loob na ibahagi ang kwento ng kanyang buhay para bigyang aral at inspirasyon ang lahat.

Inamin ni Direk Noemi sa VMG na maging sya ay naiyak sa kanilang pag-uusap dahil naramdaman nya ang bigat ng mga pinagdaanan nito. 

Ikinagalak naman ng nasabing direktor na makatrabaho sina Papa Wow at ang VIYLine CEO na si Viy Cortez. 

“Napaka bait po ng taong ito (Papa Wow), composed na tao. Marami din akong natutunan sa kanya pagdating sa pag-uugali,” ani Direk Noemi.

“Si Miss Viy Cortez naman po, masayahin po pala siya. Talagang no dull moment, tawa siya ng tawa nung nagsho-shoot, good vibes lang,” dagdag pa nito. 

Samantala, wala namang halos tulak-kabigin ang naturang direktor sa husay na ipinamalas ng buong VMG team at maging ni China Roces na syang gaganap na bida sa nasabing proyekto. 

The Cast

Ang vlogger, businesswoman at mabuting kaibigan ni Viy na si China Roces ang gaganap bilang Jelyn Hermoso sa unang episode ng Papa Wow Kwento ng Buhay. 

Makakasama din nya dito ang butihing ina ni Viviys na si Mrs. Imelda Cortez na gaganap bilang Nanay Celia, ang ina ni Jelyn. Si Viy Cortez naman ay gaganap bilang doktora na gagamot sa ina ni Jelyn. 

Present din sa documentary film na ito ang mga kapatid ni Viviys na sina Ivy Cortez-Ragos at Yiv Cortez, at marami pang iba. 

Main character

Samantala, sa isang eksklusibong panayam, inamin ni China Roces sa VMG na halos tumagos sa kanyang puso ang pinagdaanan ni Jelyn nang mabasa nito ang script. 

Sa loob lang ng isang araw ay natapos ni China ang kanyang mga eksena bagamat napaka bibigat ng mga emosyong kailangan sa bawat take. 

“Actually kinakausap ko talaga sya (Jelyn), saka tinatanong ko talaga sya kasi gusto kong maramdaman yung experience nya. Gusto ko siya mismo makapagpa-internalize sakin ng bilang siya,” kwento ni China. 

“Doon din ako nakahugot talaga ng emosyon nung nakita ko siya,” dagdag pa nito. 

Bagamat sumabak sa matinding iyakan si China ay napawi naman daw ito ng maka-eksena nya si Viy Cortez. 

“Nakakatuwa at masaya silang kasama, lalo na si Viy, puro tawanan yung ginawa namin. Hindi kasi kami sanay na sobrang seryoso, dahil nung nagkasama kami dati lagi kaming puro tawanan, puro biruan lang.”

Kwento pa ni China, dapat abangan ng mga manonood ang eksenang bumago sa takbo ng buhay ni Jelyn.

“Kasi yun talaga yung parang pinaka mabigat, kahit ikaw sa sarili mo hindi mo ma-imagine na mangyayari sayo pagdating ng panahon. Kasi ako hindi ko pa na-experience yung ganun, so yun ang pinaka challenging part sakin.”

Dagdag pa nito, tiyak na kapupulutan ng aral at pag-asa ng mga manonood ang nasabing kwento na hango sa totoong buhay.

Hindi dapat i-judge ng mga tao yung mga katulad kong babae na nagkaroon ng past experience, past relationship at nagkaroon pa ng anak.”

Nang tanungin naman kung ano sa tingin nya mababaon ng viewers matapos panoorin ang “Papa Wow Kwento ng Buhay: Kutsilyo,” ito lang ang iniwang mensahe ni China: 

“Marami palang paraan para magkaroon ng bagong pag-asa, hindi lang sa katuwang sa buhay o sa relationship. Kundi meron din pa lang pag-asa sa career o sa mga bagong kaibigan o mga bagong kasama sa araw-araw.”

Kath Regio

Recent Posts

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

3 days ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

3 days ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

4 days ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

4 days ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

4 days ago

Nourish Your Little Ones With ‘Luxe Kids’ by Luxe Beauty and Wellness

Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…

5 days ago

This website uses cookies.