Viy Cortez Teases New ‘Papa Wow Kwento ng Buhay’ Under VIYLine Media Group Films

Papalapit na ang araw para masilayan ng Team Payaman fans at mga certified “Kapitbahay” ang kauna-unahang episode ng “Papa Wow Kwento ng Buhay.” 

Sa kanyang bagong vlog, pinasilip ni Viy Cortez ang ilang kaganapan sa likod ng paggawa ng naturang documentary film. Ibinahagi rin ng VIYLine CEO na isa siya sa mga cast ng nasabing proyekto kung saan gaganap siya bilang isang doktor. 

Proud ding ipinakita ni Viy Cortez ang mga bloopers nya sa nasabing palabas. 

Viy Cortez as Dra. Clemente

“May first-ever short film na ang VIYLine Media Group, so a-acting ako don. Yung mga short film na gagawin namin, true to life (stories). Abangan nyo mga Viviys kung kailan namin ia-upload,” panimula ni Viviys bago pa man sumalang sa kanyang eksena.

Suot ang kanyang puting blazer at bitbit ang stethoscope na props, game na game na nag-practice si Viy ng kanyang eksena. 

Ipinakilala rin nito ang kaibigan at kapwa vlogger na si China Roces na syang bibida sa unang episode ng “Papa Wow Kwento ng Buhay.” 

“Dapat kasi guys ako yung bida, pero hindi ko kayang umiyak! So sabi ko meron akong kilala na sobrang magiging swak dito sa short film na ‘to, so si China yon!” paliwanag ni Viy.

Halos maka ilang take naman ang dalawa nang kunan na ang kanilang eksena dahil hindi mapigilan ang pagtawa sa isa’t-isa.

Ang “Papa Wow Kwento ng Buhay: Kutsilyo” ay isinulat at sa ilalim ng direksyon ni Direk Noemi Mopia sa tulong nina Direk Chryz Apdon, Mr. Rolando Cortez, at ng buong VIYLine Media Group

“Ano ‘to… kwento ng pag-asa. Pag napanood nyo ‘tong film na ‘to, hindi ‘to comedy, napakaganda ng story neto. Talagang makakapagbigay ng hope sa inyo,” kwento ni Viviys. 

Surprise gift

Samantala, matapos maging artista ay balik nanay duty naman si Viy Cortez sa unico hijo nila ni Cong TV na si Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Bilang pasasalamat sa mga katuwang nyang mag-alaga kay Kidlat ay binigyan ni Viviys ng munting regalo ang kanyang mga “Kidlat Angels.”

Napansin daw kasi ni Viy na sira na ang ginagamit na cellphone ni Ate Lyn kaya naman binigyan niya ito ng bagong cellphone bilang birthday gift. Syempre meron din ang isa pang Kidlat Angel na si Ate Acar. 

Kinabukasan ay walking trip naman ginawa nina Mommy Viy, Daddy Cong, at Baby Kidlat bilang kanilang bonding. 

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Here Are the Top 5 Things to Do in Baguio ft. VIYLine MSME Caravan

Planning a trip to Baguio this week, but not sure what activities to try? Don’t…

2 days ago

CHALLENGE ACCEPTED: Angeline Quinto & Viy Cortez-Velasquez’s Showdown of Vocals and Kitchen Skills

Matapos gumawa ng chocolate cake para sa kanilang mga chikiting, muling nagharap aktres at singer…

2 days ago

Proof that Mommy Riva and Athena Are The Ultimate Mom-Daughter Duo

Bukod sa pagiging aktres, dancer, at vlogger, isa rin ang pagiging hands-on mommy sa mga…

2 days ago

This is How Ellen Adarna Champions Mental Health

Trigger Warning: This article contains sensitive topics related to mental health that may trigger some…

2 days ago

Jai Asuncion’s Top 3 Must-Try Food Stops in Binondo, Manila

Matapos ang matagal na pahinga sa pag-vlog, muling nagbabalik ang content creatorna si Jai Asuncion…

3 days ago

Zeinab Harake & Ray Parks Wow Supporters With Romantic Prenup Video

They say love comes when you least expect it—at the right time, with the right…

3 days ago

This website uses cookies.