Boss Keng is back at it again with another epic travel vlog sa kanyang official YouTube channel kasama syempre misis nitong si Pat Velasquez-Gaspar at buong Team Payaman.
Kamakailan ay byaheng Siargao ang grupo, kasama ang butihihin empleyado nitong si JP na siyang tumatayong General Manager sa Wagyuniku by Pat and Keng.
It’s a prank!
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Boss Keng ang naging paghahanda nila para sa nasabing bakasyon na ginawa nila sa maikling panahon.
Panibagong “maputing balak” na naman ang hatid ni Boss Keng kay Manager JP na laging biktima ng kanyang biglaang “out of town” gala.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong JP sa kanyang boss.
“Hindi alam ni JP na binook na namin siya, dahil kailangang mag-eroplano,” kwento naman ni Boss Keng.
Walang kamalay-malay sa sumama si JP at huli na nang napagtanto ang kanilang destinasyon matapos isama sa airport.
Nawala naman agad ang pangamba ni JP ng malamang sa Siargao ang kanilang pupuntahan dahil aniya, isa ang Siargao sa kanyang “dream destination.”
Siargao investment
Nagtungo ang Team Payaman sa naging ‘honeymoon location’ nina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar matapos ikasal noong Nobyembre noong nakaraang taon.
Bagamat hindi ito ang unang beses ng mag-asawa sa Siargao, hindi pa rin nila pinalampas ang pagkakataon na magsaya at sumali sa iba’t-ibang trip sa sikat na tourist destination.
“Promise, hindi ka bibiguin ng Siargao,” ani Boss Keng.
At syempre, hindi magiging memorable ang 2022 Siargao Escapade ng Team Payaman kundi dahil sa pag-aasikaso ng Gotmarked Tours.
Sinimulan nina Boss Keng ang kanilang bakasyon sa pag-chibog sa kilalang Yassi’s restaurant na ayon kay Boss Keng ay kanyang paborito.
Kinagabihan, dumating naman ang Giyang Fam ng Team Payaman na kinabibilangan nina Daddy Junnie Boy, Mommy Vien Iligan-Velasquez, at Mavi.
Kinabukasan, game na game na naki-isa ang Team Payaman sa legendary Habal Habal ride na naging ultimate bonding na ng grupo sa tuwing dumadayo sa Siargao.
Sinundan naman nila ito ng island hopping, diving, at ang muling pagsasalo-salo sa boodle fight.
Isa sa mga highlights ng kanilang bakasyon ay ang pag-invest nina Junnie Boy at Boss Keng sa isang motorsiklo. Sa tulong ng GotMarked Tours, bumili ang dalawa ng motor upang mapagkakakitaan sa pamamagitan ng pagpaparenta.
“Excited na ako guys! Syempre sa tulong ni Mark, yayaman kami dito sa Siargao,” kwento ni Boss Keng.
Kung mapapansin, kakaiba na talaga ang atake ni Boss Keng sa kanyang mga travel vlogs na kitang-kita sa mga naggagandahang drone at camera shots
Kaya’t wag magpahuli at libutin ang iba’t-ibang mga lugar hatid ng mga virtual travel vlogs ng nag-iisang hari ng biglaang lakad, Boss Keng.
Watch the full vlog below: