Team Payaman Through the Years: Where are they in 50 Years?

Isa sa mga tanong na laging kumikiliti sa ating mga isip ay ang kung nasaan na kaya tayo pagkalipas ang sampu, dalawampu, o limampung taon?

Naisip niyo rin ba kung kumusta na kaya ang mga iniidolo nating YouTube vlogger group matapos ang limampung taon?

Team Payaman 50 years after

Sa kanyang bagong vlog, binulaga ni Cong TV ang kanyang manonood sa isang kwela ngunit makabuluhang istorya tungkol sa tema ng “pagtanda.”

Game na game namang nakisama sa “time travel” kuno ni Cong TV ang fellow Team Payaman Wild Dogs nitong sina Junnie Boy, Boss Keng, Burong, Mentos, Carding, at Dudut

Hindi mabigat ang atake ng nasabing transformation at time travel sapagkat hindi ito matatawag na Team Payaman vlog kung hindi ito binabalot ng kwela’t katatawanan.

Wild Dogs are out, Old Dogs are in! Dahil nasa hinaharap na panahon na ang kanilang mga karakter sa nasabing vlog, nag-iba na rin itsura ng Team Payaman boys sa tulong ng costume at makeup na tila nagpatanda sa kanila ng higit limampung taon. Sinabayan pa ito ng kanilang kwelang acting at “lolo voice” na talaga namang magpapahalakhak sa lahat. 

BGC Boys

Hindi tipikal na lolo ang pinakita ng tinaguriang “Old Dogs” ng Team Payaman, dahil imbes na nakapirmi lang sa bahay ay sama-samang rumampa suot ang kanilang mga “simple pero rak” na mga kasuotan. Nagliwaliw lang naman ang mga Old Dogs sa sikat na tambayan sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Dahil malapit na ang kaarawan ni Cong TV, a.k.a Lolo TV, dinala nito ang kanyang mga kumpare sa isang kainan sa nasabing pasyalan upang magsaya.

“Dahil birthday ko ngayon, dito muna tayo magfo-food testing. Unli lahat! Kaya kantahan niyo muna ako!” ani Lolo TV.

Asylum Manila Adventure

At dahil nalalapit na rin ang Halloween, nagtungo ang Team Payaman Old Dogs sa sikat na haunted house attraction na  “Asylum Manila,” kung saan isang makapanindig balahibong karanasan ang naghihintay sa kanila.

Hindi pa man nakakalayo sa nasabing haunted house nagtumbahan na ang Team Payaman Lolos matapos itong bulagain ng mga nakakatakot na karakter.

Kaliwa’t-kanang takutan, sigawan, at tulakan ang hatid ng mga Lolo ng Payamansion na siyang naging katawa-tawa para sa mga manonood.

Sa huli, nagkaroon naman ng makabuluhang reyalisasyon si Cong TV pagdating sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman Wild Cats Share Life Revelations in Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog

​ Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…

6 days ago

Make Every Summer Trip Extra Flavorful with King Sisig in a Jar

Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…

1 week ago

Cong TV Takes On Extreme Fishing Challenge For Wife’s Tuna Cravings

Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…

1 week ago

Team PYMN Clothing Drops Two New RawBlock Collection Designs

Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…

1 week ago

CARambola EP 2: Netizens Poke Fun Of Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog Collaboration

Isang hindi inaasahang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad ang mapapanood sa bagong episode ng vlog…

1 week ago

Rally with Team Payaman’s Pat and Keng at the Playhouse Pickle Tournament 2026

Get ready to serve, smash, and score at the highly anticipated Playhouse Pickleball Tournament happening…

1 week ago

This website uses cookies.