Hindi pa rin natatapos ang Japan adventure ng editor-slash-vlogger ng Team Payaman na si Steve Wijayawickrama.
Sa bagong episode ng kanyang Japan Vlog Series, binigyan ng 26-anyos na vlogger ng virtual tour ang kanyang mga manonood sa isang bahay sa Japan.
Japan House Tour
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng Filipino-Sri Lankan vlogger ang isa raw sa pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay, at iyan ay ang magkaroon ng bahay sa Japan.
Pero teka, it’s a prank! Dahil ang bahay na ipinakita ni Steve sa kanyang vlog ay ang tahanan ng kanyang pamilya na nagkakahalaga lamang ng 50 Million Yen o mahigit kumulang P20 Million!
Pagpasok pa lang ng bahay ay makikita na ang isang malaking lagayan ng sapatos at mga tsinelas dahil bahagi ng kultura ng mga Hapon ay ang pagtanggal ng tsinelas bago pumasok sa loob ng tahanan.
“Everything is wood!” pagbibida ni Steve.
Sulit naman ang ginastos sa nasabing bahay dahil gawa ito sa matitibay na kahoy at sinasabing “earthquake proof.”
At syempre, ibinida rin ni Steve ang legendary Japanese toilet na kilala sa moderno nitong disenyo hatid ng teknolohiya.
Bukod sa hapagkainan, comfort room, at mga sala, hindi rin nakalimutang ipakita ni Steve ang mga kwarto ng nasabing bahay na nagpapakita ng presko at maaliwalas na paligid.
At syempre, hindi rin mawawala ang terrace o tambayan upang makalanghap ng sariwang hangin habang nakatingin sa magandang tanawin sa ikalawang palapag ng bahay.
At ang pinaka ‘highlight’ ng Wijayawickrama Residence sa Japan ay ang “Mini Bar” na matatagpuan rin sa secret location ng kanilang bahay.
“I come here a lot every evening” kwento ni Steve.
Ayon kay Steve, Isa rin sa paboritong libangan ng pamilya sa Mini Bar ay ang kumain at mag-karaoke. Pero syempre, modern na ang pagka-karaoke sa Japan dahil smart device na ang gamit upang pumili ng kanta at mag-enjoy.
Watch the full vlog below: